Dale's POV
Nagising ako nang mag-alarm ang phone ko. Hindi muna ako bumangon, pinikit ko muna ang mata ko bago tingnan ang kabilang side ng hinihigaan ko.
Masyado nang malaki ang kamang ito para sakin. Mas ramdam ko yung lungkot at pangungulila kay Kyle.
Flashback
"Kamusta na si Kyle?" Tanong ko kay Hilda.
"Nandiyan ka pala Dale. Okay naman daw siya sabi ni Doc." Pinunasan niya ng basang bimpo ang braso ni Kyle. "Gusto mo ba siyang kausapin? Pwede akong lumabas."
"Hilda, kailan pa kayo nagkikita ni Kyle?" Biglang tanong ko. Napatingin ito sakin. "Wag kang mag-alala, hindi ako magagalit."
"Siguro mga tatlong buwan na." Huminga siya ng malalim. "Ako yung unang tumawag sa kanya. Kailangan ko ng tulong ni Kyle para kay tatay." Nakita ko na ang tatay nito, siya yung kasa-kasama ni Kyle sa baguio. "Na-stroke siya. Desperada na ako Dale. Kailangan niyang mabuhay kasi siya nalang ang natitira sakin." Naluluha niyang kwento.
"Nasaan siya?"
"Nandito rin siya. Sa 2nd floor siya nakaconfined kaya minsan wala ako dito. Sorry sa nagawa ko noon Dale, pwede kang magalit sakin, pwede mo akong saktan. Tatanggapin ko ang lahat mabayaran lang ang utang ko sa pamilya mo."
Nakikita ko ang sarili ko sa kanya. Kailangan niyang magtrabaho hindi para sa sarili niya kundi para sa taong mahal niya. Katulad ko, handa niya rin gawin ang lahat para sa pamilyang natitira sa kanya. Hindi ko siya masisisi sa ginawa niya.
Umiling ako. "Ngayon naiintindihan ko na. Mahal mo ba si Kyle?"
"Mahal na mahal."
Tumango ako. Yun ang gusto kong marinig galing sa kanya, gusto kong makasigurado na mamahalin siya ng taong pinili niya.
End of flashback
Huminga ako ng malalim ng maalala ang paguusap namin ni Hilda.
Tumayo na ako sa hinihigaan ko para maligo. Ayokong malate sa opisina, lalo na't dadaan pa ako kay Luca.
----------
Pababa na ako ng hagdan nang tawagin ako ni Lola. "Dale may lakad ka ngayon? Akala ko ba sasama ka sa hospital."
"May importante po kasi akong gagawin. Siguro sa susunod nalang ako dadalaw kay Kyle." Pilit akong ngumiti.
Hindi niya alam ang nangyari samin ni Mamita sa hospital kaya pilit akong umiiwas dito. Ayoko kasing magkatampuhan pa ang dalawa ng dahil sakin.
"Tsaka birthday po ni Luca. Dadalhan ko siya ng cake sa condo niya."
"Ganun ba? Sige, pasabi nalang happy birthday. Naku! Baka malaman ng anak mo at hindi na sumama sakin yun."
"Hindi ko na po sasabihin. For sure naman babawi si Luca sa weekends."
"Sige, magiingat ka. Umuwi ka ng maaga para makapagpahinga ka naman."
HhMasyado na bang halata ang eyebags ko kaya nagpapahiwatig na si Lola. "Try ko po. Mauuna na ako Lola." Humalik ako sa pisngi nito.
Tulog pa si Kyle Jr. Ang tagal nitong makatulog kagabi kasi namimiss niya na raw ang Daddy niya.
Ako rin naman miss ko na siya, hindi ko lang pinahahalata. Tuwing gabi lang ako dumadalaw sa kanya, kasi alam kong umuwi na nun si Mamita.
Dumaan muna kami sa cake shop para bilhan si Luca ng cake. Chocolate flavor ang paborito niya, pagkatapos nagpahatid na ako sa condo niya. Balak ko sanang iwan nalang ito sa guard ngunit gusto ko itong batiin ng personal.
BINABASA MO ANG
The Mistress Love Story (Completed)
RandomTHE MISTRESS LOVE STORY "Love." Nakangiting salubong niya nang makita ako. Yayakapin niya sana ako nang salubungin ko ito ng isang malakas na sampal. "Love? Ang kapal ng mukha mo! Paano mo nagawa yun sakin? pinagkatiwalaan kita." Galit na sabi ko, n...