Chapter 18

1.9K 45 4
                                    

Dale's POV

Nagising ako nang wala si Kyle sa tabi ko, gusto ko pa sanang matulog kaya lang hindi na ako makatulog.

Pinulot ko ang mga damit na nakakalat sa sahig pagkatapos nagbihis narin ako. Nakakahiya naman bumaba ng nakahubad diba.

Dalawang linggo na mula nang mangyari ang kaarawan ni Mamita.

So far so good. Okay naman ang relasyon namin ni Kyle, nakikita ko yung childish side niya, which is sobrang paborito ko sa lahat ng character niya.

Naghilamos muna ako bago bumaba, dumiretso ako sa kusina nang makita si Kyle na nakikipagtawanan sa mga kasambahay habang nagluluto ng almusal.

"Paborito po ni Ma'am Dale ang sinangag. Gusto niya po yung maraming maraming bawang."

"Ganun ba? Mukhang hindi siya malalapitan ng aswang ahh."

"Mapagbiro ka po pala Sir." Natatawang sabi ng kasambahay. "Ayusin lang po namin ang lamesa."

Pag-alis nila dahan dahan akong lumapit kay Kyle at niyakap ito sa likuran. "Ang bango naman niyan."

"Gising ka na pala. Nagluto ako ng almusal para sainyo." Sabi niya habang hinahalo ang sinangag na kanin.

"Kaya pala ang bango." Inamoy ko ang batok niya at humalik dito. "I like your smell."

"Ginamit ko na yung binigay mong sabon sakin." Natawa ako sa kanya.

'Why so innocent my love?'

"Nakita mo na ba yung sasakyan na binili ko para sayo?" Tanong ko.

Binilhan ko kasi ito ng bagong sasakyan, medyo luma na kasi yung dati. Tsaka para rin may pagkakaabalahan siya, pwede siyang mamasyal kung saan niya gusto, pwede siyang magmall mag-isa.

"Hindi pa. Tingnan ko nalang mamaya, kain muna tayo." Pagyayaya niya at mabilis na humalik sa labi ko.

"Goodmorning Mommy, Daddy." Boses ni Kyle Jr. habang humihikab pa.

"Goodmorning my love. How's your sleep?"

"It's good Mom. Can I have some milk, please."

"Okay. Magtitimpla ako sandali. Sit down na." Utos ko sa kanya. Nagtimpla muna ako ng mainit na gatas. Hindi kasi ito masyadong kumakain ng almusal.

"Goodmorning. Ang aga niyo atang magising ah." Pagbati ni Lola. Humalik ito sa noo ng apo niya. "Wow ang sarap naman ng almusal natin."

"Si Kyle po ang nagluto niyan Lola."

"Ang galing naman. Namiss ko ang mga ganitong luto. Mukhang mapaparami ang kanin ko ngayon, diet pa naman ako." Natawa kami sa sinabi nito. Umupo ako sa tabi ni Kyle.

"Ganito ang paborito namin noon."

"Noon? Kumakain ka rin ng tuyo?" Tanong niya.

"Oo naman. Paborito namin ito ni Lola noh. Tapos isasawsaw mo sa maanghang na suka, solve na ang tanghalian namin." Sagot ko. Paborito ko talaga ang ganitong uri ng ulam, para sakin kapag may almusal kaming ganito, may sapat pa kaming pera.

Lalo na yung sinangag na maraming bawang, naku kahit walang ulam kakainin ko yan.

"Goodmorning everyone." Napatingin kaming lahat sa nagsalita.

"Paps, your here." Masayang sabi ni Kyle Jr. Ilang linggo din itong hindi nagpakita samin, sabi niya may inaasikaso daw siya.

"Namiss kita eh. May mga pasalubong ako sayo."

The Mistress Love Story (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon