Chapter 14

2.4K 58 4
                                    

Kyle POV

"Wala ba kayong narinig? Umalis na kayo." Sigaw ko ulit at tinuro ang pinto.

Pinunasan nung babae ang luha niya at lumabas, kaagad kong sinara ang pinto. "Narinig ko ang lahat ng pinagusapan niyo. Pero gusto ko ulit marinig galing mismo sa bibig mo habang nakaharap ako. Sino ka? Sino kayo?" Nagsimula nang tumulo ang luha ko.

"Sorry Agapito. Patawarin mo ako."

"Hindi yan ang gusto kong marinig. Pamilya ko ba talaga kayo? Paano niyo nagawa sakin to."

"Natagpuan ka namin sa gubat. Hindi namin alam kung saan ka galing. Alam ko naman na mali ang ginawa ko, tinago kita at nagsinungaling ako sayo." Akmang lalapitan ako nito nang umiwas ako.

Binigay ko ang lahat sa kanila, sinakripisyo ko ang buhay ko kasi akala ko nasa tamang pamilya ako.

"Bakit? Bakit niyo nagawa ito?"

"Noong nalaman namin ni Tatay na hindi ka makaalala, dun pumasok sa isip ko na magsinungaling at paniwalain kang asawa ko. Ibabalik naman sana kita eh. Pero ilang buwan at taon ang lumipas walang naghanap sayo, kaya akala ko wala ka ng pamilya, na ikaw na ang binigay samin ng diyos."

"Hindi ko na alam." Umiling ako at lumabas ng bahay.

Sobrang sakit ng ginawa niya, naturingan ko pang asawa ang naglihim sakin.

Nangako kami na hindi magsisinungaling sa isa't isa, pero buong buhay ko pala binubuo lamang ng isang kasinungalingan.

Ayoko munang umuwi, baka may masabi akong hindi maganda sa kanila. Gusto ko munang pakalmahin ang sarili ko, mabuti nalang hindi ko inalis ang pera na nasa bulsa ng pantalon ko.

Kumain muna ako sa karinderiya pagkatapos tumambay sa lugar na kung saan wala masyadong tao.

Lumipas ang ilang oras naisipan ko nang umuwi ng bahay, hindi ko nalang sila papansinin.

Malapit na ako nang makarinig ng sasakyan ng brgy tanod, nakita ko si Hilda na may posas sa kamay at may nakaalalay sa kanyang dalawang lalaki.

"Agapito tulungan mo ako." Umiiyak na pakiusap nito. Tila nanlambot ang puso ko, hindi ko kayang makulong siya, asawa ko parin siya.

Lumapit ako sa kanila. "Saan  niyo dadalhin ang asawa ko?"

"Sa presinto, kidnapping ang ginawa ng babaeng ito."

"Agapito please tulungan mo ako. Ayokong makulong." Pilit itong pinapasok sa sasakyan. Hindi ako makalaban kasi alam kong pagtutulungan nila ako. "Agapito nagmamakaawa ako."

"Tutulungan kita Hilda. Hintayin mo ako." Sigaw ko habang nakatingin sa papalayong sasakyan.

May lalaking lumabas sa loob ng bahay namin, namumukaan ko siya. Siya yung kasama nung mga babae kaninang umaga.

"Sir dalhin mo ako sa amo mo. Kailangan ko sila makausap." Pakiusap ko sa lalaki.

Tumitig ito sakin na parang may naalala at kaagad na tumango.

Mabilis kaming nakarating sa bahay nito, sinamahan pa niya ako sa loob ng bahay.

"Ma'am Dale." Tumingin yung babae sakin.

"Kyle." Kaagad itong yumakap sakin. "Kyle bumalik ka." Sabi niya ngunit tinulak ko siya.

"Bakit mo ipakukulong si Hilda? Asawa ko siya."

"Ako ang asawa mo. Nilayo ka niya sakin. Ano bang hindi mo maintindihan dun? Bumalik ka na samin please." Umiiyak na sabi niya.

Umiling ako. "Patawad po. Hindi ako babalik sayo, kailangan ako ni Hilda. Kailangan ako ng asawa ko. Please hayaan mo na kami."

The Mistress Love Story (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon