Dale's POV
"Mommy." Napatingin ako kay Kyle Jr. nang bigla nalang itong yumakap ng mahigpit sakin. "I love you."
Lumuhod ako para magpantay kami. "I love you too baby." Hindi man niya sabihin pero alam kong nasasaktan din ito.
'I'm sorry anak kasi hindi kita mabibigyan ng buong pamilya. Sorry kasi kailangan mong madamay sa kamalasan ng Mommy mo.'
Gustong gusto ko yan sabihin sa kanya, pero alam kong hindi niya pa ako maiintindihan sa ngayon. Siguro sa paglaki niya unti unti niyang mauunawaan na hindi lahat ng pamilya ay buo, hindi lahat ng pamilya may ama at ina sa loob ng bahay.
Pinunasan ko ang luha ko at pilit na ngumiti sa kanya. "Go take a shower then magrest ka na. Okay?"
"Okay Mommy." Tumango ito at naglakad na.
Huminga ako ng malalim. Masakit pa sa ngayon, pero alam kong darating ang panahong tatawanan ko nalang yung sarili ko kasi nagsayang ako ng oras para umiyak sa taong hindi naman talaga para sakin.
Umakyat na ako sa kwarto, kailangan ko naring magpahinga para sa trabaho bukas.
----------
"Goodmorning Ma'am Dale." Napalingon ako sa secretary ko nang sumilip ito sa pinto. "Ito po yung pinapakuha niyong papeless sa finance."
"Thank you. Palagay nalang diyan." Pasasalamat ko.
"May iuutos pa po ba kayo? Gusto niyo pong ipagtimpla ko kayo ng coffee?" Nakangiting tanong niya.
"No thanks. Okay lang ako. Ikaw may gusto ka bang sabihin sakin?" Ganito kasi siya kapag may gustong sabihin sakin.
Napakagat ito ng labi pagkatapos pinakita ang singsing sa daliri niya. "Ikakasal na po ako, invited po kayo Ma'am."
"Wow congrats. Kailan ang kasal niyo?"
"Next month pa naman po."
"Sige ayusin mo ang schedule ko para makaattend ako." Nagliwanag ang mga mata nito.
"Talaga po? Sige po aayusin ko. Salamat talaga Ma'am Dale. May iuutos pa po ba kayo?"
"Wala na. Pakicheck nalang kung tuloy ang meeting namin ni Uncle Tan."
"Ay. Nakaleave po si Mr. Tan today. May family gathering daw po sila, kasal po ata ng anak niya." Biglang bumilis ang tibok ng puso ko sa sinabi nito.
'Kasal? Dalawa lang ang anak ni Uncle Tan. Ang alam ko parehas na itong kasal. Kung hindi ako nagkakamali, family gathering meaning kasama dun sila Kyle.'
"Ganun ba? Okay." Nagkunwari akong hindi apektado sa sinabi niya. "You can go now."
"Yes Ma'am." Tumango ito bago lumabas ng opisina ko.
Napahilamos ako sa mukha. Bakit ako masyadong affected sa sinabi niya? Hindi na dapat ako nangingialam sa pamilya nila kasi nakipaghiwalay na ako kay Kyle, divorce papers nalang na may pirma ang hinihintay ko.
Tumayo ako sa kinauupuan ko. Hindi kaya si Kyle at Hilda ang ikakasal? Patago lang silang nagpaplano para hindi namin malaman.
"I'm okay. Your okay Dale." Pakikipagusap ko sa sarili ko. Nakarinig ako ng hakbang papasok sa opisina ko kaya mabilis kong pinunasan ang luha ko. "Gusto ko munang mapag-isa."
"Hi." Biglang bumilis ang tibok ng puso ko ng marinig ang pamilyar na boses.
"Kyle, anong ginagawa mo dito?" Nagtatakang tanong ko, wala kasi siyang pasabi na pupunta siya dito.
"Gusto kitang makita."
"Bakit?" Pinakita niya ang brown envelope na hawak niya. "Napirmahan mo na?" Tanong ko, habang pilit na pinipigilan ang emosyon ko.
"I don't want this." Sagot niya at walang sabi sabi na pinunit ang envelope sa harapan ko.
"Ano bang ginagawa mo?" Inagaw ko ang hawak niya. "Kung gusto mong makipag-away, wag dito sa opisina ko."
"I told you. I don't want this." Hinatak niya ako palapit sa kanya. "I want you. Please comeback to me."
Hindi ako makagalaw, naistatwa ako sa sinabi niya. Panaginip lang ba to? Kung panaginip lang to pwede bang wag na akong magising.
"Talk please." Humawak ito sa kamay ko.
So, totoo siya. Hindi ito panaginip kasi nararamdaman ko siya.
Umiling ako. "Wag mo akong paglaruan Kyle. Kung joke time ito hindi ka nakakatuwa."
"Naaalala ko na ang lahat." Tumitig ito sa mga mata ko. "Naaalala na kita. Kaya please bumalik ka na sakin."
"Why Kyle? Bakit mo ako gustong bumalik sayo?" Lumayo ako sa kanya. "Baka nabibigla ka lang, baka naguguluhan ka lang sa mga nangyayari."
"I want you Dale, because I love you. Ayoko nang lumipas pa ang isang araw na hindi ko nasasabi sayo kung gaano kita kamahal."
Napahagulgol ako, hindi ako makapaniwala sa mga naririnig ko.
Lumapit ulit siya sakin, pinaharap niya ako sa kanya at hinimas ang mukha ko. "Please don't cry. Ayokong umiiyak ka. Diba nangako ako sayo noon na hindi kita iiwan. Ito na yun."
"I'm scared. What if mawala ka na naman sakin? Pagod na akong paulit ulit na masaktan."
"Kaya nga aayusin natin to. Trust me with this one. Hindi na ako mawawala sayo." Niyakap niya ako ng mahigpit. "Mahal na mahal kita Dale."
"Mahal din kita Kyle. I never stop loving you."
Ngumiti ito at dahan dahang nilapit ang labi ko sa labi niya.
Napapikit ako nang maramdaman ang malambot nitong labi na tila nagpapaadik sa katawan ko. Sobrang namiss ko ang lalaking ito.
Nagkaroon ng maliwanag at magandang bukas ang pahina ng buhay ko. Parang isang bula na nawala ang sakit na matagal ko ng iniinda sa puso ko.
"Ma'am Dale. Ay sorry po."
Tinulak ko ito ng mahina. Hindi ko alam kung saan mapupunta ang halik na yun, mabuti nalang pumasok ang secretary ko, kundi baka hindi namin napigilan ang sarili namin.
"That's my secretary." Pagpapakilala ko.
Napalunok ako. Nakakahiya naman na dito pa kami naghahalikan.
"I know her. Look out ko yan dito sa opisina mo mula nang bumalik ang ala-ala ko."
Kaya pala kakaiba ang mga kinikilos nito noong mga nakaraang linggo, siya pala ang look out ni Kyle.
"Is that true?" Tanong ko sa secretary ko.
"Yes Ma'am Dale. Sorry po." Nahihiyang sabi niya.
"It's okay. You can go." Nang makalabas ito. Matalim kong tiningnan si Kyle. "Your crazy."
"Crazy inlove with you. Let's start our new journey Mrs. Mayer."
Bakit naiiyak na naman ako? This time hindi dahil nasasaktan ako, kundi dahil alam kong ito na ang huling kabanata sa aming buhay ni Kyle.
Sana nga ito na yun. Wala na kaming kawala sa isa't isa.
-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
AUTHOR'S NOTE:
Thank you for reading my story.
Dont forget to like and Comment.
BINABASA MO ANG
The Mistress Love Story (Completed)
RandomTHE MISTRESS LOVE STORY "Love." Nakangiting salubong niya nang makita ako. Yayakapin niya sana ako nang salubungin ko ito ng isang malakas na sampal. "Love? Ang kapal ng mukha mo! Paano mo nagawa yun sakin? pinagkatiwalaan kita." Galit na sabi ko, n...