Epilogue 2

3.6K 64 3
                                    

Dale's POV

"Love are you ready?" Napalingon ako kay Kyle nang magsalita ito. "Malalate na tayo sa graduation ng mga bata."

Kanina pa ito pabalik balik dito sa kwarto pero hindi ko siya pinapansin. Wala ako sa mood. Nag-away kasi kami kagabi. Paano ba naman kasi nageffort ako na magluto ng paborito niyang ulam kasi sabi niya gutom na gutom na siya tapos malaman laman ko kumain na pala siya sa labas.

"Love?" Tinaasan ko siya ng kilay. "Dahil sa ulam nagkakaganyan ka."

"Oo. Okay na?"

"Your unbelievable Dale." Naiinis na sabi niya, namumula na ang mukha nito.

"Ako pa talaga Kyle. Ikaw ang unbelievable, nageffort yung tao. Naghintay ako sayo kasi gusto kong makasabay kang kumain kahit gabing gabi na." Sigaw ko sa kanya. Mabuti nalang soundproof ang kwarto para hindi marinig ng mga bata. "Hindi ka man lang nagsorry. Nilambing mo lang ako na parang walang nangyari. Anong akala mo, okay lang yun sakin?"

"Busy ako sa negosyo natin Dale. Naiintindihan mo ba yun? Mabuti ka nga nandito lang sa bahay eh." Sagot niya pero bigla itong napatigil. "I'm sorry."

"Hindi ako nagpapakasarap dito sa bahay. Inaalagaan ko ang mga anak natin Kyle." Pinipigilan ko ang mga luha ko. "And for your info. ikaw ang may gusto sa ganitong set-up. You told me na maging hands on sa mga bata. Remember?"

Naglakad ako palabas ng kwarto.

Sa totoo lang nasaktan ako sa sinabi niya, hindi lahat ng piniling manatila sa bahay ay pasarap lang sa buhay. Napapagod din ako, naiistress. Kahit naman may kasambahay kami hindi ko inaasa sa kanila ang pag-aalaga sa mga bata.

Gusto ko kasing sulitin ang bawat oras na kasama sila, alam ko kasing darating ang panahon hindi ko na sila makakasama, sympre magkakaroon na sila ng sariling buhay, ng sariling pamilya.

"Mommy." Tawag ng bunso ko. "Kuya Kyle said that we're late."

"Okay. We will go na." Nakababa na kami ng hagdan.

"What happen to your necktie Khalel? Mommy will fix it, come here." Inayos ko ang polo niya pati narin ang necktie niya. "And we are done. You look handsome my baby."

Nakita kong pababa na ng hagdan si Kyle kaya nag-iwas ako ng tingin.

"Tita Dale." Napatingin ako sa likuran ko nang marinig ang boses ni Rana.

"Ohh. You look like a real princess." Napakaganda talaga ng batang ito. Lahat ata ng damit babagay sa kanya.

Graduation niya din kaya binilhan ko siya ng magandang dress, mabuti nalang kasyang kasya sa kanya. "Thank you po. Aalis na daw po sabi ni Tatay." Tumango ako.

"Mommy don't talk to her please. I hate her." Napatawa ako. Nagiinarte na naman si Kyle Jr. Pagdating talaga kay Rana laging mainit ang ulo nito, seloso kasi itong panganay ko.

Nauna kaming mag-iina na sumakay sa van. "Behave lang ha."

"Mommy sa back ako please." Si Kyle Jr.

"Me too." Khalel.

"Mommy me too." Knight.

Ano pa nga bang magagawa ko? Eh konting iyak o konting beautiful eyes lang ng mga batang ito eh nanlalambot na ang puso ko.

Pasimuno rin kasi itong panganay ko. Alam niya naman na kung nasaan siya dapat nandun din ang kambal.

Sumakay na ako sa first row ng van. Katabi ko si Kyle kaya humarap ako sa bintana para hindi ito makita. Akmang patago niyang hahawakan ang kamay ko nang iniwas ko ito.

The Mistress Love Story (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon