Kyle's POV
"Okay ka lang? Kanina ka pa wala sa sarili." Napabalik ako sa kasalukuyan nang magsalita si Hilda sa tabi ko.
"Okay lang ako." Pinark ko ang sasakyan sa labas ng gate.
"Sinabi mo na ba sa kanya? Sorry nangingialam ako. Naaawa lang naman ako kay Dale, masyado nang nasaktan yung tao. Kung tutuusin wala naman siyang maling ginawa eh. Mahal ka niya Kyle." Umiwas ako ng tingin.
Flashback
Nagising ako sa mahimbing na pagkakatulog nang magring ang phone ko. Tumingin ako sa tabi ko ngunit wala pa si Dale, mukhang nag-overtime na naman ito sa trabaho.
"Hello." Bungad ko.
"Agapito, kailangan kita. Dinala ulit nila si tatay sa emergency room. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Please puntahan mo ako." Umiiyak na sabi ni Hilda.
Nakaramdam ako ng pag-aalala para kay tatay.
"Sige, papunta na ako." Sabi ko bago patayin ang tawag, mabilis akong nagbihis ng damit.
Pagbaba ko ng hagdan nakita ko si Dale na kakauwi lang galing sa trabaho, pagewang gewang itong naglalakad kaya kaagad akong lumapit sa kanya. "Okay ka lang? Anong nangyari sayo?"
"Okay lang ako. Nakainom lang ng konti. Aalis ka?"
"May bibilhin lang." Pagsisinungaling ko.
Akala ko maniniwala siya pero nagkamali ako.
Tuluyan na itong nagalit sakin. Hindi ko alam kung paano niya nalaman na nagkikita kami ni Hilda. Gusto kong ipaliwanag sa kanya ang lahat ngunit wala na akong oras.
Nastroke ang ama ni Hilda kaya hindi ko siya pwedeng pabayaan. Utang ko sa kanila ang buhay ko na habang buhay kong pagbabayaran.
"Sige mamili ka. Ako at ang anak mo na tunay mong pamilya o yung Hildang niloko ka at pinaniwalang siya ang pamilya mo?" Umiling ako.
Hindi ko kayang mamili, parehas silang importante sa bhay ko
"Please Dale. Kailangan ako nila Hilda."
"Kailangan din kita Kyle. Kailangan ka namin ng anak mo."
"Pangako babalik ako." Pikit mata akong tumalikod sa kanya.
'Sorry Dale pero kailangan ako ni Hilda sa mga oras na ito. Ako nalang ang pamilya niya, ako nalang ang inaasahan niya. Malalim ang naging relasyon naming dalawa kaya hindi ko pwedeng balewalain yun.'
Pangako aayusin ko muna ang lahat pagkatapos babalikan kita.
Mabilis kong pinaandar ang sasakyan ko. Napatingin pa ako sa side mirror, nakita kong tumatakbo si Dale.
Napasabunot ako sa buhok ko. Normal lang naman ang nararamdaman ko diba?
Hinampas ko ang manibela. F*ck this life. Bakit kailangan ko pang mamili sa kanilang dalawa kung alam ko naman sa sarili ko kung sino ang pinili ko.
Bahala na. Nagu-turn ako sa pangalawang kanto.
Mali ang ginawa kong pag-iwan sa kanya. Kailangan kong ipaliwanag ang nangyayari, sigurado naman akong maiintindihan niya ang lahat.
Mabilis kong pinatakbo ang sasakyan.
Napapikit ako nang masilaw ang aking mata sa kasabayang sasakyan, pagkatapos isang malakas na busina ang aking narinig.
Nakaramdam ako ng antok, sobrang sakit ng ulo ko. Pinipilit kong buksan ang mata ko, nagbabakasakaling pagmulat ng mata ko bubungad ang mukha ng babaeng mahal ko.
---------
Nagising ako sa hindi pamilyar na lugar. Tumayo ako sa kinahihigaan ko at naglakad palabas ng kwarto.
Habang naglalakad tila nagbabago ang kapaligiran, ang kwarto ay naging simpleng bahay.
Sobrang weird, sinusundo na ba ako?
"Mahal kita Dale." Nakarinig ako ng isang pamilyar na boses kaya sinundan ko ito.
Nanlaki ang mata ko nang makita ang kamukha ko habang kausap si Dale.
"Mahal din kita Love, hihintayin kita dito sa bahay. Bilisan mo lang ha."
"Oo bibilisan ko lang." Hinawakan ng lalaki ang mukha ni Dale. "Hindi narin ako makapaghintay na makasama ka at ipagsigawan sa mundo kung gaano kita kamahal." Sabi ng lalaking kamukha ko, ramdam ko ang labis na pagmamahalan ng dalawa na tila wala silang iniisip sa mundo kundi sila lang.
Ilang oras ang lumipas, nagbago na naman ang buong kapaligiran, bigla akong napunta sa hospital.
Nakarinig ako ng iyak ng babae, parang may bumubulong sakin na hanapin kung saan nanggagaling yun.
"Kyle wake up, gumising ka na. Wag mo akong lokohin ng ganyan. Diba sabi mo babalik ka, sabi mo hintayin kita, nangako ka na hindi mo ako iiwan. Bakit? bakit ka sumuko kaagad. Ang unfair unfair mo."
"Dale." Tawag ko sa pangalan niya.
Tumulo ang luha ko at nilapitan siya.
"Nandito ako. Nandito ako sa tabi mo." Umiiyak na sabi ko. "Please stop crying. Hindi kita iiwan." Gusto kong punasan ang luha niya at sabihing nandito ako, na hindi ako mawawala sa kanya, pero paano ko yun gagawin kung hindi ko siya mahawakan at hindi niya rin ako marinig.
Tila unti-unting lumalabo ang aking paningin. "Nandito ako Dale. Please look at me." Nakaramdam ako ng panghihina pagkatapos bumagsak nalang ang katawan ko sa sahig.
---------
Dahan dahan kong binuksan ang mata ko, nasilaw pa ako sa puting ilaw na nanggagaling sa kisame. "Agapito, gising kana. Sandali tatawag ako ng doctor."
Naaalala ko na ang lahat, pati narin ang nangyari sa nakaraan.
"Si Dale?" Yan ang unang lumabas sa bibig ko. Akmang sasagot ito nang dumating ang mga doctor.
Lumipas ang isang buong araw. Naghintay ako sa pagdating ni Dale ngunit matagal na daw itong hindi dumadalaw.
Busy daw ito sa trabaho niya. Napaisip tuloy ako, kung ano bang importante sa kanya. Ako o ang trabaho niya?
End of flashback
"Bukas na ang alis namin ni tatay pabalik sa baguio. Salamat sa lahat ng tulong niyo samin." Napabalik ako sa kasalukuyan nang magsalita ulit si Hilda.
"Ipapahatid ko nalang kayo sa driver ni Mommy."
"Salamat." Binuksan niya ang pinto ng sasakyan at humarap ulit sakin. "Kyle, kailangan ka ni Dale. Nakita ko yung lungkot sa mga mata niya kanina, alam kong mahal mo pa siya." Sabi nito bago tumalikod sakin.
Kinuha ko yung brown envelope na may lamang divorce papers.
Bakit kasi pinangungunahan ako ng pride ko? Handa ko bang bitawan si Dale nang dahil sa letseng pride na to?
Gusto ko lang naman marinig sa kanya ang salitang mahal niya ako. Wala naman siyang kailangan patunayan kasi maniniwala naman ako.
Bahala na! Ayokong magsisi sa huli kasi wala akong ginawa. I will tell her the f*king truth.
----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
AUTHOR'S NOTE:
Thank you for reading my story.
Dont forget to like and Comment.
BINABASA MO ANG
The Mistress Love Story (Completed)
RandomTHE MISTRESS LOVE STORY "Love." Nakangiting salubong niya nang makita ako. Yayakapin niya sana ako nang salubungin ko ito ng isang malakas na sampal. "Love? Ang kapal ng mukha mo! Paano mo nagawa yun sakin? pinagkatiwalaan kita." Galit na sabi ko, n...