Chapter 30

3.6K 55 7
                                    

Dale's POV

"Nandito na tayo." Napabalik ako sa kasalukuyan nang magsalita si Kyle sa tabi ko. "Let's go."

"Wait. Nahihiya ako kay Mamita, baka galit pa siya." Sabi ko. Tumawa ito ng mahina. "Hoy! Bakit ka tumatawa? Seryoso ako Kyle."

"Joke lang. Ito naman hindi mabiro, naglilihi kana kaagad?" Pagbibiro niya kaya napataas ang kilay ko.

Naglilihi? Wala pa ngang nangyayari samin mula ng magkaayos kami tapos maglilihi ako. Baliw ba siya.

"Hey! I'm just kidding. Wag kang mag-alala. Akong bahala sayo." Kumindat ito bago lumabas ng sasakyan.

Huminga ako ng malalim at binuksan ang pinto. Sa totoo lang nahihiya talaga ako kay Mamita.

"Let's go." Pagyayaya ni Kyle.

Tumango ako pagkatapos kumapit sa braso niya.

Pagpasok namin sa loob ng bahay biglang nagsalita si Mamita. "Dale, Is that you? Oh My God. I missed you." Lumapit ito sakin at kaagad akong niyakap, ramdam ko yung senseridad nito. "Sorry sa lahat ng sinabi ko sayo. Nagkamali ako."

"Hindi niyo po kailangang magsorry Mamita." Naluluhang sabi ko.

"Ngayon naiintindihan ko na. Malinaw na sakin kung ano ang pinaglalaban mo. Thank you for not giving up." Hinawakan niya ang kamay ko. "Thank you for loving my son unconditionally." Mahina niyang sabi.

Parang isang bula na nawala ang malaking tinik dito sa puso ko.

"Hey! Are you two done talking? I'm hungry." Natawa kami sa sinabi ni Kyle.

"Nakahanda na ang pagkain. Dale, pinagluto kita ng paborito mo." Nagtataka akong tumingin sa kanya. Alam niya na pupunta ako dito? "Nagmessage si Kyle kanina. Medyo naexcite ako na pupunta ka kaya marami akong pinaluto. Tara na." Sumunod kami kay Mamita.

"Wow. Sinong may birthday? Ang dami mong pinaluto Mommy. May favoritism ka."

"Ewan ko sayo Kyle. Maupo kana sa tabi ko." Todo asikaso sakin si Kyle, pagkatapos masaya kaming nagkwentuhang tatlo, sayang naman dapat pala sinama namin sila Lola.

"Bukas na kayo umuwi. Masyado ng gabi para magdrive." Nagkatinginan kami ni Kyle. Okay lang naman sakin na dito kami magpalipas ng gabi, may sarili naman siyang kwarto.

"Okay Mom." Sagot niya.

"Sige na magpahinga na kayong dalawa."

Sumilay ang kakaibang ngiti sa mukha ni Kyle. Akala niya makakascore siya sakin ngayon, pwes diyan siya nagkakamali.

Biglang nagring ang telephono niya. Tumatawag si Kyle Jr., siguro naghihintay na ito sa pagdating naming dalawa. Nangako kasi siya na mabilis lang kami, na magdidiner lang kami at uuwi na kaagad.

"Mauna kana sa kwarto." Tumango ako at nauna nang umakyat sa kwarto niya.

Nakarating ako sa hallway ng 2nd floor nang makakita ng bakanting kwarto. Bukas ang pinto nito kaya hindi ko maiwasang macurious. Dalawa ang kama dito, wala naring mga gamit.

Ewan ko pero bigla akong napraning. Bigla akong nagtanong sa sarili ko na. 'Paano kung nandito pa sila, na nagtatago lang sila? Paano kung may ginawa silang milagro ni Hilda sa kwartong hihigaan at tutulugan ko ngayon? Alam kong mali na mag-isip ng ganyan. Binigay ko ang tiwala ko kay Kyle ng buo kaya wala akong choice kundi tanggapin ang ginawa nila sa nakaraan.'

The Mistress Love Story (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon