Chapter 19

1.9K 43 1
                                    

Kyle's POV

Flashback

"Iiwan mo ako? Iiwan mo kami ni tatay?" Tanong ni Hilda habang pilit na nilalabas ang mga gamit na nilalagay ko sa bag.

"Para ito sa kalayaan mo. Tingin mo ba gusto kong sumama sa pamilyang hindi ko naman kilala?"

Natawa ito ng mahina. "Anong tingin mo maloloko mo ako? Alam ko namang gustong gusto mo ng makaalis sa ganitong buhay." Huminga ito ng malalim. "Akala ko ba mahal mo ako."

Napatingin ako sa kanya.

"Oo mahal kita. Kaya ko nga ginagawa ang lahat ng to. Hindi natin alam kung ano ang kayang gawin ng babaeng yun. Mayaman sila at isa lamang tayong dukha."

"Yan ba talaga ang tunay na rason Agapito? Bakit nakikita ko sa mata mo na may iba pang dahilan kaya gusto mong sumama sa pamilyang yun."

Napapikit ako sa sinabi niya. Nag-iingat ako sa pananalita kasi ayokong may masabing masakit sa kanya.

Ang totoo niyan gusto kong mahanap ang kulang sa pagkatao ko. Nagmamahalan kami ni Hilda pero may malaking kulang sa pagkatao ko na gustong gusto kong malaman kung sino o ano.

"Hindi ka makasagot diba." Hinampas ako nito. "Ang dami kong sinakripisyo sayo tapos ganito lang ang igaganti mo sakin."

"Ikaw lang ba? Marami rin naman akong sakripisyo sa pamilyang ito ahh. Hindi mo lang nakikita kasi nakafocus ka palagi sa sarili mo. Ni minsan ba tinanong mo ako kung okay lang ako? Kung napapagod ba ako sa trabaho na ginagawa ko."

"Hindi diba! Pinuri mo ba ako sa ginagawa kong pagsusumikap? Tatlo ang trabaho ko araw araw. Kulang pa ba yun para mapatunayan na nagsakripisyo din ako."

"Bahala ka sa buhay mo. Kung gusto mong bumalik sa tunay mong pamilya, edi bumalik ka." Sabi niya at tinulak ako palabas ng bahay. "Ayoko ng makita ang pagmumukha mo kahit kailan. Umalis kana sa buhay namin ng tatay ko."

Napasabunot ako sa buhok ko. Hindi ko na alam kung tama pa ba ang ginagawa ko.

Tinapon niya ang mga gamit ko sa labas ng bahay, kaya pinulot ko ito at nilagay sa bag.

Bahala na kung ano ang mangyari sakin.

----------

Ilang oras din ang naging byahe namin. Naninibago ako, ibang iba ang Maynila sa Baguio.

Mas lalo akong napahanga nang dumating kami sa bahay nila. Ang laki ng bahay nila tapos ang linis, marami ring sumalubong samin na kasambahay.

Ngunit mas nagulat ako nang ipakilala niya ang isang batang lalaki, siguro nasa anim na taong gulang pa lamang ito, sabi niya anak ko daw ito.

Ayokong maniwala nung una pero nung niyakap niya ako, parang may maliliit na karayom na tumusok sa puso ko. Hindi na ako nagdalawang isip na sakin siya, kamukhang kamukha ko siya sa malapitan.

Naaawa ako dito, anim na taon siyang nangulila sa ama. Hinahanap niya rin kaya ako noon?

End of Flashback

"Hindi ka pa natutulog, lumalalim na ang gabi Kyle." Napabalik ako sa kasalukuyan nang magsalita si Dale sa likuran ko. "Anong iniisip mo?" Tanong niya, nandito ako sa terese ng kwarto namin.

"Wala, hindi lang ako makatulog." Pagsisinungaling ko. Yumakap ito sa likuran ko, ramdam ko ang katawan nito na nagtatakip lamang ng manipis na kumot.

"Maaga ang check up mo bukas kaya kailangan mo ng matulog." Sabi niya habang humahalik sa batok ko.

Humarap ako sa kanya para makita ang magandang mukha nito. Unti unti ko ng nagugustuhan ang babaeng to, makita at makasama lang siya tila buo na ang araw ko.

The Mistress Love Story (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon