Chapter 12

3K 60 2
                                    

Dale's POV

"Eat a lot anak." Sabi ko kay KJr. Excited kasi ito dahil mamamasyal kami sa isa sa tourist spot dito sa baguio, sa burnham park.

Gusto niya kasing sumakay sa kabayo at magboating.

"Mommy I need another jacket. It so cold outside."

"Okay. Papakuha kita ng jacket sa taas."

"Dale, kumain ka ng marami nangangayayat ka na." Puna ni Mamita. Ewan ko pero wala talaga akong ganang kumain.

Pagkatapos namin mag-almusal, hinatid na kami ng driver sa burnham park. Pangatlong punta ko na dito kaya hindi na ako masyadong excited. Itong lugar na ito ang suki namin kapag may barkada get away kami sa office noong nagtatrabaho pa ako sa dati naming kumpanya.

Umupo ako sa tabi ni Lola habang nakatingin sa anak ko.

"Mommy." Sigaw niya habang nakasakay sa kabayo at kumakaway samin.

"His really enjoying the ride." Sabi ng dalawang matanda. "Ang laki laki na ng apo natin."

"Ma'am pasalubong po?" Alok ng manong sa likuran ko. Umiling ako, masyado pang maaga para bumili ng mga pasalubong.

May ilang araw pa kami dito, baka masira lang ito.

"Mang Berto tara na." Tila tumaas ang balahibo ko sa batok nang marinig ang boses na yun.

"Oo Agapito." Dahan dahan akong humarap sa likuran ko.

Dumami lalo ang tao at natakpan ang mga nagbebenta ng mga pasalubong. Hindi ko namukaan ang matandang lalaki na nag-aalok sakin, pero hindi ko rin nakita ang may-ari ng boses na yun.

"Agapito tara na." Hinanap ko ang boses ng matanda.

"Kyle." Sigaw ko nang makita ang isang lalaki na pamilyar sakin. "Kyle." Paulit ulit na sigaw ko ngunit hindi ito lumingon at nawala nalang bigla sa maraming tao.

"Dale, bakit ka sumisigaw?" Tanong nila.

"Nakita ko si Kyle Mamita, nakita ko siya." Sagot ko at tumingin ulit sa mga tao na nasa paligid ko.

"Pwede ba Dale, wag dito. Kung ayaw mong magenjoy at magrelax, hayaan mo kaming gawin yun." Pagkatapos iniwan ako nito.

Napahilamos ako sa mukha. 'Ano ba Dale? Wala na si Kyle, itatak mo yan sa utak mo. Hindi na siya babalik kahit kailan. Pero sino yung nakita ko, kamukhang kamukha niya tapos kaboses niya pa.'

"Dale kung gusto mo umuwi ka na muna." Pati si Lola Betty disappointed sakin.

Napayuko ako at napatingin sa anak ko. Ayokong masira ang araw niya, ayokong mapalitan ng lungkot ang kanyang mga ngiti dahil sa inasal ko.

"I'm sorry." Nauna akong umuwi, nahihiya ako sa kanila. Sila na nga ang bumubuo sa mga pagkukulang ko sa anak ko tapos ganito pa ang igaganti ko.

Pagbalik ko sa bahay dumiretso ako sa kwarto ko. 'Sige umiyak ka na Dale, pero last na ito. Last na ang pag-iyak mo nang dahil kay Kyle.' Pagkukumbinsi ko sa sarili.

Napahawak ako sa dibdib ko. "Please alisin mo na yung sakit." Sigaw ko. Pinikit ko ang mata ko, feeling ko pagod na pagod ako sa pag-iyak, kaya tinangay nalang ako ng antok.

Kinagabihan nagising ako nang tawagin ng kasambahay para kumain, hinihintay na daw ako nila Lola.

Gusto kong humingi sa kanila ng pasensya, pipilitin kong ayusin ang sarili ko. Babawi ako sa anak ko, kalilimutan ko na si Kyle.

The Mistress Love Story (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon