Dale's POV
Ilang oras ang naging byahe namin nang makarating kami sa Maynila. Napatingin ako kay Kyle, halata sa mga mata nito ang labis na paghanga sa dinadaanan namin.
Nakikipagusap lang ito sa driver pagkatapos tatahimik na ulit. "Ang laki ng mga billboard tsaka masyadong masilaw ang mga ilaw."
"Naku sir, ganyan talaga dito sa Maynila. May mas malalaki pa diyan, ipapakita ko sayo kapag dumaan tayo sa edsa."
"Sige ba. Bawal kasi mga ganyan kalalaki sa baguio, pinapatanggal ng mayor namin."
Pumasok na ang sasakyan namin sa village na tinitirahan namin. "Ma'am, Sir nandito na po tayo. Ibaba ko nalang po yung mga gamit niyo."
"Thank you." Nauna akong bumaba ng sasakyan, pinagbuksan ko ng pinto si Kyle. "Nandito na tayo sa bahay natin."
"Bahay niyo. Ang laki ng bahay niyo." Madiin ang pagkakasabi niya ng salitang niyo.
"Asawa kita kaya bahay natin to. Tara na pasok na tayo." Hinawakan ko ang kamay niya at hinatak papasok ng bahay.
Wala akong pinagsabihan na kasama ko si Kyle, gusto ko kasi silang isurprise. Tsaka wala naman akong kasiguraduhan na sasama siya, nagulat na nga lang ako nang sumipot ito sa usapan namin.
Pagpasok namin sa loob. Hindi ko alam na naghihintay na pala sila sa pagdating ko, kaya sabay sabay silang napatingin samin.
"Daddy." Boses ng anak ko. Tumakbo ito papalapit kay Kyle. Namumukaan niya parin pala ang Daddy niya. "Your alive. I missed you so much Dad."
Tumulo ang luha ko hindi dahil sa lungkot kundi dahil sa labis na kasiyahan. Hindi ko na-imagine na darating ang araw na makikita kong magkayakap ang mag-ama ko.
"Anak mo siya. Siya si Kyle Jr." Sabi ko.
Yumakap din ito ng mahigpit sa anak niya. Actually hindi ko na dapat sasabihin eh, alam ko naman na nararamdaman niya ito dahil sa lukso ng dugo.
Lumuhod ako para magpantay kami ni Kyle Jr. "Baby, he can't remember us."
"Why Mom? What happen to Daddy?" Tanong niya.
"He has amnesia baby, pero okay lang naman yun diba. Pwede natin kalimutan ang nakaraan at magsimula ulit. Gagawa tayo ng bagong happy moments with your Dad." Tumango nalang ito.
Gusto ko man silang bigyan ng oras pero alam kong pagod si Kyle sa byahe.
Masaya din na nagpakilala sila Mamita, this time kalmado na ang lahat. Wala ng iyakan, masayang masaya sila na sa wakas umuwi na si Kyle.
"Nagugutom ka ba? Ipapahanda kita ng pagkain sa katulong."
"Hindi. Gusto ko ng magpahinga." Pilit nalang akong ngumiti. Naiintindihan ko naman siya, hindi madaling mag-adjust sa ganitong buhay.
Sinamahan ko siya sa magiging kwarto namin. "Ito ang kwarto natin. Kapag hindi mo gusto yung kulay pwede natin papalitan. Sabihin mo lang."
Nilibot nito ang paningin niya nang huminto ito sa picture frame na nasa tabi ng kama. "It's you Kyle. Ito yung first picture natin noong nagdate tayo sa carnival." Pagkatapos kinuha ko yung isang picture namin na nakahawak siya sa tiyan ko habang nakahalik sa noo ko. "Ito naman yung pinagbubuntis ko si Kyle Jr. Ito yung pinakahuling picture natin mula nang mawala ka."
Flashback
"Dapat may picture tayo. First baby natin ito, tapos lalaki pa." Sabi ni Kyle.
BINABASA MO ANG
The Mistress Love Story (Completed)
RandomTHE MISTRESS LOVE STORY "Love." Nakangiting salubong niya nang makita ako. Yayakapin niya sana ako nang salubungin ko ito ng isang malakas na sampal. "Love? Ang kapal ng mukha mo! Paano mo nagawa yun sakin? pinagkatiwalaan kita." Galit na sabi ko, n...