Chapter 22

2K 52 5
                                    

Dale's POV

Nakaupo ako sa kama habang nakatingin sa kawalan.

Flashback

"Ma'am Dale pwede po ba kitang makausap?" Napatingin ako sa secretary ko nang pumasok ito sa opisina ko.

"Yes. May problema ba?" Halata sa mukha nito ang labis na kaba. "Hey. Are you okay? What happen?"

"Ma'am Dale." Huminga ito ng malalim. "Ma'am nakita ko po yung asawa niyo, may kasamang babae sa isang hospital." Nakayokong sabi nito. "Ayoko po sanang sabihin sainyo pero mukhang may kakaiba sa dalawa."

"B--baka naman kamukha lang ni Kyle." Nauutal kong sabi. Pilit kong pinapakalma ang sarili ko kasi nangingibabaw parin ang binigay kong tiwala sa kanya.

"Kilala ko po si Sir Kyle. Alam ko pong siya yun. Medyo maliit na payat ang kasama niya tapos hanggang balikat lang ang buhok."

Nabitawan ko ang hawak kong ballpen.

Para akong nawala sa katinuan. Tumayo ako sa kinauupuan ko. "I need to go home." Sabi ko at mabilis na kinuha ang bag ko.

Kailangan kong makausap si Kyle. Kailangan kong malaman ang katotohanan.

----------

Mabilis akong nakarating sa bahay.

Una kong hinanap si Kyle. "Kyle." Tawag ko sa pangalan niya, ngunit si Kyle Jr. ang lumapit sakin.

"Mommy your home." Tila nanlambot ang tuhod ko. Ayokong madamay ang anak ko dito, ayokong makita niya akong umiiyak nang dahil sa sarili niyang ama. "Are you okay Mommy?"

"Yup. I'm okay baby. Kailangan lang ng pahinga ni Mommy."

"Okay. I'll call Daddy, nagpunta lang siya sa Mall." Tumango ako at pilit na ngumiti sa harapan niya.

End of flashback

Pinunasan ko ang luha ko ng may kumatok sa pintuan. "Apo."

"Lola, may kailangan po ba kayo?" Tanong ko.

Umiling ito. "Gusto lang kitang makita apo ko, para kasing hindi ka okay ngayon. May problema ba sa opisina mo o sainyo ni Kyle?"

Pinipilit kong maging normal kahit tila tinutusok ng maliliit na karayom ang puso ko. "Lola wag mo na akong alalahanin, pagod lang ako sa trabaho."

Bigla niya akong niyakap ng mahigpit. "Hindi mo man sabihin, alam kong may problema anak, ramdam ko yun. Isipin mong pagsubok lang ang lahat ng nangyayari sa buhay mo at magiging okay din ang lahat pagdating ng panahon."

Humarap siya sakin at pinunasan ang luha ko. "Umiyak ka lang. Ilabas mo yan pagkatapos punasan mo ang luha at lumaban ka ulit."

Yan ang lagi niyang sinasabi sakin noong bata pa ako, parati kasi akong inaaway ng mga kalaro ko kasi nakikita nila ang kahinaan ko at ginagamit nila yun laban sakin.

Gustong gusto kong sabihin kay Lola ang problema ko, gusto kong damayan niya ako kasi sobrang sakit na. Pero ayokong pati siya madamay kasi malaki ang tiwalang binigay niya sakin at kay Kyle.

Mali man isipin, pero ngayon tinatanong ko na ang sarili ko kung tama ba ang naging desisyon ko. Kung tama ba na pinagdasal ko pa siya na bumalik.

----------

Lumipas ang apat na araw, nagpatuloy ako sa buhay.

Gabing gabi na ako umuuwi galing sa trabaho, tapos maaga akong umaalis, hindi narin ako sumasabay sa kanila sa pagkain. Sa opisina ako kumakain, parang uuwi nalang ako para magpahinga ng konti tapos maghahanda na ulit sa pagpasok.

The Mistress Love Story (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon