Chapter 4

11.5K 245 18
                                    

Dale's POV

"Carnival? Anong ginagawa natin dito." Nalilitong tanong ko.

"Mageenjoy, minsan lang maging bata kaya lubos-lubusin na natin, Tara rides tayo." Nakangiting sabi niya.

Akala ko pa naman pupunta kami sa isang park o kaya naman may naghihintay na romantic dinner samin.

"Oh bakit nakasimangot ang love ko?"

"Ha? Hindi ah." Tumingin ako sa paligid ngunit pilit niyang pinaharap ang mukha ko sa kanya.

"Hindi bagay sayo nakasimangot, hindi mo ba nagustuhan dito? Sayang ni-rent ko pa naman tong buong carnival for us."

'Mukhang nagtatampo ang baby ko. Hehehe ang cute niya. Kinikilig ako.'

Teka! Ni-rent niya ang buong carnival? Eh ang mahal nito ha pero never mind, ang importante kasama ko siya.

"Ehh kasi maulan baka mamaya maaksidente tayo sa mga rides na yan."

"Don't worry akong bahala sayo. Trust your boyfriend." Sabi niya habang nakahawak sa kamay ko.

"Anong boyfriend? manliligaw ka pa lang diba?" Tanong ko.

"Wala nang ligaw ligaw hahaha." Sagot niya.

Mahina kong hinampas ang braso nito. "Tara na nga."

Sumakay kami ng mga rides.

I'm so happy, ito na ata ang pinakamasayang nangyari sa buhay ko, bumalik ako sa pagkabata.

Hindi naman pala nakakatakot ang panahon ngayon, makulimlim lang at mahinang umuulan.

Kasalukuyan kaming sumakay sa ferris wheel. Ito na ang last ride namin tapos babalik na kami sa hotel.

"Alam mo ang sweet mo." Sabi ko kay Kyle, sumandal ako sa balikat niya. "Hindi ko akalain na magiging masaya ako ng ganito."

"Ayaw ayaw ka pa kanina.
Eh mukhang ikaw ang nagenjoy ng sobra." Pangaasar niya.

"Thank you Kyle." Mahinang sabi ko.

"Your welcome Love." Hinawakan nito ang mukha ko at unti-unting hinalikan ang aking labi.

Ang lakas ng tibok ng puso ko. 'Mahal ko na ba siya? Sobrang rupok ko naman.'

Pinutol niya ang paghahalikan namin. "Umuwi na tayo." Masayang sabi niya, tumango ako at napakagat sa labi.

Bumaba kami sa ferris wheel at bumalik sa hotel.

Sobrang pagod kami kaya pagdating sa hotel, naghilamos lang ako at tumabi sa kanya.

The Mistress Love Story (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon