Chapter 2

15.2K 347 21
                                    

Dale's POV

Pumasok ako sa kumpanya at dumiretso sa opisina ni Madam. Gusto ko magsorry sa nagawa ko.

"Madam." Mahinang sabi ko.

"Come in." Dahan dahan akong pumasok sa loob ng opisina nito, nakita ko siyang pumipirma ng mga papeles. "Oh, you're here."

"Madam, sorry po dahil napahiya ko ang apo niyo sa lahat ng empleyado dito. Hindi ko naman po sinasadya. Ayaw niya po kasing pumila sa ele---," Bigla siyang tumawa. Itinabi nito ang mga papel na pinipirmahan niya at pinaupo ako sa bakanteng silya sa harap niya.

"Hahaha hija nakakatuwa ka naman. Pagpasensiyahan mo na ang apo ko. Mainipin talaga yun lalo na't pag hindi nasusunod o nagagawa ang mga gusto niya."

"H---hindi po kayo galit sakin?" Tanong ko.

"Offcourse not! My apo deserved it. Hija ikaw ang magpapabago sa kanya. Tulungan mo siya dahil sooner or later sa kanya na mapupunta ang kumpanyang ito." Makahulugang sabi nito. "Gusto ko maging responsible siya sa lahat ng bagay at alam kong matutulungan mo siya. Kaya mo ba akong tulungan?"

"Kakayanin po Madam." Mabilis kong sagot. Mukha namang mabait si Sir Kyle eh, medyo masama nga lang ang ugali.

"His 28 years old, ngunit batang isip parin. Walang ginawa kung hindi uminom at gumimik kasama ng mga barkada." Umiiling pa ito habang nagsasalita.

28 years old na pala pero kung mag-isip talo pa 21 years old, sa bagay gwapo kasi kaya nagmumukhang bata."Tulungan mo akong magbago si Kyle."

Wala akong nagawa kung hindi tumango.

"Thank you, maaari ka ng bumalik sa trabaho. Maya maya lang darating narin yun." Tumango ulit ako at lumabas na ng opisina ni Madam.

Huminga ako ng malalim pagkatapos ay inayos ang mga kalat sa ibabaw ng table ko.

"Hi girlfriend." Gulat akong napatingin sa harapan ko, nagtama ang mga mata namin ni Kyle. Anong problema nito bakit ang lapit niya sakin.

Una na akong lumayo sa kanya."Sir bakit ka nanggugulat?"

"I'm not! I just wanna ask kung nasa loob na si Mamita?" Alanganing tanong niya.

Napansin ko na may dala itong dalawang paperbag.

"Yes po. Nasa loob na siya." Nagiwas ako ng tingin at tinuon sa ginagawa ko.

"Ito nga pala," Inabot niya sakin ang isang paperbag. "Ibigay mo kay Lola Betty. Sabihin mo pinabibigay ng gwapo mong boyfriend."

Lakas din ng tama nito ah! Gwapong-gwapo sa sarili.

Hindi ako nagsalita at kinuha ang paperbag sa kanya, sinilip ko kung anong laman nito. Nanlaki ang mata ko nang makitang punong-puno ang paper bag ng imported chocolates.

"Btw, mamaya aalis tayo." Sabi niya.

"Huh? Saan naman po tayo pupunta Sir Kyle?"

"Hindi mo na kailangang malaman. Mamita told me that you'll help me to be a responsible person, kaya dapat lagi kitang kasama kung saan man ako magpunta."

The Mistress Love Story (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon