Dale's POV
Huminga ako ng malalim bago paandarin ang sasakyan. Hindi ko napansin ang oras, pagabi na ng bumalik ako sa Maynila.
Pagdating ko sa bahay sinalubong ako ni Lola. "Dale, saan ka ba galing? Kanina pa ako tumatawag sayo out of coverage ka."
"Sorry Lola. Nalowbat kasi yung phone ko."
"Nag-alala ako sayo. Tumatawag din si Luca, hinahanap ka. Bakit namamaga na naman ang mata mo? May nangyari ba?"
Umiling ako. "Nagugutom na po ako. Pwede na ba tayong kumain ng hapunan?" Sabi ko para umiwas sa mga tanong nito.
"Oo naman. Halika ka na."
"Si Kyle Jr. po pala?"
"Nagpaiwan sa hospital. Gustong makasama si Kyle, nandun din naman ang Mamita niya kaya pumayag na ako." Napatango nalang ako. Alam ko naman kasi kung gaano niya kamiss ang Daddy niya.
Sinandukan ako ni Lola ng kanin at ulam sa plato. Wala akong ganang kumain pero kailangan ng katawan ko ng energy, unti unti ng nanghihina ang katawan ko sa dami ng problemang pinagdadaanan ko.
Pagkatapos kong kumain kaagad akong umakyat sa kwarto para makapagpahinga. Nagshower muna ako at nagpahangin ng konti sa veranda. Naubos na ang luha ko kakaiyak kanina, gusto ko na munang makalimot kahit ngayong gabi lang.
----------
Kinabukasan.
"Ma'am Dale, ito na po yung nabili kong bulaklak." Napabalik ako sa kasalukuyan nang magsalita si Manong. "Sigurado akong magugustuhan ito ni Sir Kyle."
"Salamat." Sana nga magustuhan niya.
Naisipan kong dumalaw kay Kyle ngayon, dalawang araw na ang nakakalipas at wala akong balita sa kanya. Gusto ko siyang makita, gusto kong siguraduhin kung okay na siya.
Tahimik ako sa buong byahe, kinakabahan kasi ako sa mangyayari. Pero hinanda ko na ang sarili ko sa galit ni Mamita. Tatanggapin ko kung ipahiya man niya ako sa maraming tao.
"Ma'am nandito na po tayo."
Huminga ako ng malalim bago lumabas ng sasakyan. Binitbit ko ang bulaklak na pasalubong ko para sa kanya.
Alam ko naman ang kwarto niya kaya dumiretso nalang ako dun.
Pagbukas ko ng pinto wala ng tao. Tamang tama may dumaan na nurse dito. "Excuse me. Nasaan yung pasyente dito?"
"Na-discharge na po ang pasyente kagabi. Inuwi na po siya ng pamilya niya."
"Ganun ba. Sige, salamat."
Ang sama sama ng loob ko sa kanila. Alam kong galit sila sakin pero bilang asawa ni Kyle at minahal niya noon, sana man lang ina-update nila ako tungkol sa kanya.
Sa sobrang galit ko, tinapon ko sa basurahan ang bulaklak na binili ko.
"Manong sa bahay tayo ni Mamita." Utos ko kaya nagmadali itong magmaneho.
Mabilis kaming nakarating sa village nila. Akmang palabas na ako ng sasakyan nang makita si Kyle na nakaupo sa wheelchair habang tulak tulak ni Mamita.
Bumilis ang tibok ng puso ko at nagsimula na namang tumulo ang luha ko.
"Naaksidente si Kyle nang dahil sayo." Naalala ko yung sinabi ni Mamita.
Bigla tuloy akong naguilty. Hindi naman ako ang may kasalanan sa nangyari pero bigla akong nakaramdam ng hiya, nawala yung lakas ng loob ko na kausapin sila.
BINABASA MO ANG
The Mistress Love Story (Completed)
RandomTHE MISTRESS LOVE STORY "Love." Nakangiting salubong niya nang makita ako. Yayakapin niya sana ako nang salubungin ko ito ng isang malakas na sampal. "Love? Ang kapal ng mukha mo! Paano mo nagawa yun sakin? pinagkatiwalaan kita." Galit na sabi ko, n...