Chapter 17

2.5K 56 2
                                    

Dale's POV

"Hey, stop it." Sabi ko sa dalawa nang makita silang naghaharutan sa may sala. "Diba sabi ko magbihis na, may dinner tayo kay Mamita."

"Dad is biting me." Tumatawang sabi ng anak ko. Ngayon lang ako nakakita na inaasar na tawa parin ng tawa.

"Take a bath na baby." Tumakbo ito nang akmang hahabulin ni Kyle. "Ikaw rin Kyle. Nandun na yung susuotin mo, susunod na ako." Sabi ko.

Niligpit ko muna ang ibang laruan na nakakalat sa sala. Doble talaga ang trabaho kapag may bata sa loob ng bahay, nakakapagod pero masaya. Sa totoo lang, para sakin sila ang nagbibigay kasiyahan sa mga mag-asawa.

Kung yung iba pagkakamali ang turing sa biglaang pagbubuntis, para sakin hindi. Siguro hindi lang nila ineexpect kaya naiisip nilang pagkakamali, pero kung lalawakan  mo lang ang pagiisip mo.

Maiisip mo na nasa tama kang oras, nasa tama kang panahon. Si God ang nakakaalam ng lahat, binigyan ka niya ng isang regalo kasi alam niyang handa ka na.

Umakyat na ako sa kwarto para maligo at makapag-ayos narin. Mabilisang ligo lang ang ginawa ko.

Paglabas ko sa cr nakita ko si Kyle na naiinis na dahil hindi nito alam kung paano ang tamang pag-aayos ng necktie. "Ganito kasi yan. Ipasok mo itong tali sa kabila tapos dito yung isa." Umiiwas ito ng tingin sakin. Nakatuwalya lang kasi ako sa harapan niya. "Okay na."

"Salamat. Mauna na ako sa labas para makapagbihis ka." Pasasalamat nito pagkatapos lumabas na ng kwarto namin.

Akward para sa kanya, pero sakin hindi. Normal lang naman sa mag-asawa ang ganitong bagay. Naglagay lang ako ng konting make up para simple lang, sinuot ko narin ang formal dress ko pagkatapos tinali ang buhok ko na parang messy ban.

"Mom you are so beautiful." Puri sakin ng anak ko pagbaba ko ng hagdan.

"Thank you baby."

"Maganda ba si Mommy? Dad." Natawa ako sa tanong ni Kyle Jr. Wala talagang preno ang bibig nitong batang ito.

"Oo." Napatingin ako kay Kyle. "Tara na baka malate tayo." Nauna silang pumunta sa sasakyan.

Kakaiba ang tibok ng puso ko. Gusto kong magtatalon sa tuwa dahil sa sagot niya.

"Apo, tara na. Baka malate na tayo." Tumango ako. Sabay kaming lumabas ng bahay ni Lola.

Mabilis kaming nakarating sa venue ng birthday ni Mamita. Akala ko simpleng dinner lang, bakit may pa stage. Tapos nandito rin ang mga empleyado ng kumpanya namin, pati narin ang mga board of directors.

Umakyat ng stage si Mamita. "Magandang gabi sainyong lahat. Ikinagagalak ko ang pagpunta niyo sa aking kaarawan." Huminga ito ng malalim. "Alam ko nagulat kayong lahat kasi ngayon lang ako nagcelebrate ng ganito kabonggang birthday party."

"Simple lang naman akong tao, makasama ang pamilya ko sa aking kaarawan, masaya na ako. Pero ngayon kakaiba ito." Tumingin ito banda samin. "Limang taon nabalot ng kalungkutan ang aming mga buhay, limang taon siyang nawala samin." Tila nagulat ang mga tao sa sinabi nito.

"At ngayon na bumalik siya, hindi ko na sasayangin ang oras at panahon na makasama ito. Everyone, I would like you to meet my son. Kyle Mayer." Nagpalakpakan ang mga tao at hindi makapaniwala sa sinabi ni Mamita.

Tinutok kay Kyle ang spotlight. "I love you anak and this is the best gift ever."

Lumapit si Mamita kay Kyle pagkatapos ay niyakap ito ng mahigpit. Welcoming party at birthday party pala ang celebration ngayong gabi.

The Mistress Love Story (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon