Dale's POV
Isang oras na akong nandito sa labas ng bahay, hinihintay kong dumating si Kyle.
Magpapakumbaba na ako, magsosorry ako sa kanya.
Hindi ko intensyon na masaktan si Kyle. Mahal na mahal ko siya, siya ang gusto kong makasama sa pagtanda kaya pipilitin kong ayusin ang problemang ito.
Ring ring ring
Tumunog ang phone ko kaya kaagad ko itong sinagot. "Hello Kyle. Where are you?"
"Hello po. Kayo po ba ang asawa nang may-ari ng cellphone na to?"
"Oo ako. Nasaan si Kyle, gusto ko siyang makausap."
"Ma'am naaksidente po ang asawa niyo." Nanlaki ang mata ko sa sinabi ng lalaki sa kabilang linya. "Papunta na kami sa pinakamalapit na hospital. Kailangan po namin kayo. Ma'am nandiyan pa po ba kayo?"
"Sige, papunta na ako." Nauutal kong sabi. "Lola kailangan kong puntahan si Kyle." Pinilit kong maging normal sa harapan ni Lola kasi ayokong mag-alala pa ito.
Kinuha ko ang susi ng sasakyan ko, nakauwi na ang driver kaya wala ng maghahatid sakin. Mabilis ko itong pinaandar upang makarating kaagad sa hospital kung nasaan si Kyle.
Hindi na ako nagtanong sa front desk nang makita si Mamita. Patakbo ko itong nilapitan.
"Mamita nasaan si Kyle?" Nagaalalang tanong ko ngunit isang malakas na sampal ang sinalubong niya sakin.
Tila nabingi ako sa lakas ng sampal nito.
"Naaksidente si Kyle nang dahil sayo." Galit niyang sabi. Naguguluhan ako, bakit parang kasalanan ko pa? "Alam kong may relasyon pa si Kyle at Hilda, nakita ko sila sa isang apartment, patago silang nagkikita."
"Alam niyo? Bakit hindi niyo kaagad sinabi sakin?" Tanong ko.
"Kasi alam kong aawayin mo na naman ang anak ko. Hindi mo ba talaga naiintindihan Dale? Hindi na siya yung dating Kyle na kilala natin, nagbago na siya. Hindi ka na niya mahal. Bakit hindi mo nalang siya hayaang maging masaya?"
"Bilang isang Ina ako na ang nagmamakaawa sayo Dale. Please hayaan na natin siya maging masaya."
Dahan dahan akong umatras sa kinatatayuan ko. Hindi ko alam ang sasabihin ko. Patuloy lang sa pagtulo ng luha ko.
Nang biglang may nagsalitang babae sa likuran namin. "Ma'am, nasaan po si Kyle?" Umiiyak na sabi ng babae.
Parang nagflashback sakin ang lahat. Nararamdaman ko yung sakit sa puso niya.
Flashback
"Nasaan si Kyle? Gusto ko siyang makita."
"Wala na siya." Tila gumuho ang mundo ko sa sinabi nila, nanlalambot ang buo kong katawan sa sobrang sakit.
Lahat ng pangako niya sakin, nawala nalang ng parang bula.
"Kyle please wake up. Wag mo akong iiwan. I'm begging you. Please Love come back to me."
"Come back to me please."
Masyado pa siyang bata para kunin, hindi niya pa nakikita ang anak namin. Gusto niya pang ipagsigawan ang pagmamahalan naming dalawa sa mundo.
"Opo bibilisan ko lang dahil hindi na ako makapaghintay na makasama ka at ipagsigawan sa buong mundo kung gaano kita kamahal."
"Please ibalik niyo siya sakin, ibalik niyo muna siya sakin. Hindi pa ako handa na mawala siya Panginoon." Umiiyak kong sabi bago mawalan ng malay.
BINABASA MO ANG
The Mistress Love Story (Completed)
RandomTHE MISTRESS LOVE STORY "Love." Nakangiting salubong niya nang makita ako. Yayakapin niya sana ako nang salubungin ko ito ng isang malakas na sampal. "Love? Ang kapal ng mukha mo! Paano mo nagawa yun sakin? pinagkatiwalaan kita." Galit na sabi ko, n...