LA-Ten

38.9K 1.1K 42
                                    

       



             LA-TEN [Where it starts.]

 

                        AUDRIE

"Para saan naman po ito?" Tanong ko kay Lola Zai, kanina pa ako nag iikot, hindi ko na din alam kung naka ilang oras na ako dito, pero talagang mauubos ang oras mo sa dami ng pwedeng tignan, at basahin, sobrang nakaka relax din ang paligid, kaya naman hindi ko alintana ang oras.

Napatingin ulit ako sa hawak ko na compass, pero unlike ng common, marami itong pihitan, pero tatlo lang ang kamay, kulay tanso ito kaya mas nagmukha talagang ancient times ang kagamitan na to.

"Para yan sa mga may ziel na kayang pahintuin ang oras, kumbaga pangontra yan, lalo na kung nakataon ang mga nasa misyon na paglaruan ng ibang nilalang." Napakunot ang noo ko sa sinabi nya. 

"Pwede po pala yon? Ngayon ko lang nalaman." Tumingin lang sya sakin at ngumiti. "Ito naman po, para saan naman ang isang to?" Tanong ko ulit dahil para syang maliit na globe, pero nahahati sa apat na kulay, asul, pula, berde at itim.

"Halimbawa, pinalabas kayo, para sa isang misyon. Magagamit nyo yan sa pag detect ng lugar, na hindi kita ng mata ng normal na tao." Sagot nya habang nag tatanggal ng mga dumi na nakadikit sa mga libro.

"Bakit po may hati pa na apat na kulay kung para lang naman pala sya sa mga lugar?" Narinig ko naman ang mahinang tawa nya kaya napakunot ang noo ko. "Bakit po?"

"Ang mapa na yan kasi ay ang kabuuan ng Visuvius."

"Visuvius po? Saan po yon?" Ngayon ko lang yata narinig yon?

"Ito ang tawag sa lupa na kinatatapakan mo." Nang makita nya na naguguluhan pa rin ako ay natawa pa sya. "Ganito, kumbaga, visusius ang pangalan ng parallel world na ito." Sabi nya, kaya naitindihan ko din sa wakas.

"Bali Visivius po ang tawag in general, then dito magique ziel? Eh ano po yung iba pa na kulay?"

Umiling lang sya at sandaling umalis sa harapan ko, pagbalik nya, may dala na syang libro, hindi naman masyadong makapal yon, pero halata na medyo luma na. "Basahin mo yan, para hindi ka bumagsak sa history class mo, halata na bago ka lang dito at wala pa gaanong alam."

Natawa naman ako sinabi nya at tumango. "Salamat po, bibilin ko po ito, magkano po ba?" Ngumiti sya at umiling.

"Hindi na, sayo na yan. Dahil matagal narin naman ang libro na yan sakin, sayo ko nalang ibibigay dahil nakikita ko na kailangan mo yan." Ngumiti nalang ako at tumango.

"Salamat po, teka, paano nga po ba ako makakalabas dito?"

"Ihahatid ka nila marvy at mark sa pinanggalingan nyo na pinto." Sabi nya, kaya tumango at ngumiti ako. Tumayo na sila marvy at hinawakan na ulit ang kamay ko, ang sarap sa pakiramdam ng init ng kamay nila, komportable sa pakiramdam.

"Salamat po, sana magkita tayo ulit."

"Magkikita pa tayo Audrie, mag iingat ka palagi, bumalik ka dito kapag may oras ka at wala ka naman ginagawa, at oo nga pala, kapag binuksan mo ang libro, sabihin mo lang ang katagang Lereio estasquim." Tumango ako at naglakad na.

"Nakabili ka po ba? May nagustuhan ka ba?" Tanong ni mark, tumango ako at itinaas ang libro na hawak ko.

"Yes. Ihatid nyo na ko palabas. Baka kasi hinahanap na ko sa academy."

"Opo, sige po, ate Audrie?" Tawag ni Marvy, tinignan ko naman sya. "Babalik po ba kayo ulit dito?"

Tumango ako at ngumiti. "Oo naman, babalik ako dito, ngayon na alam ko na may lugar pala na ganito, sigurado yon."

Lecquares AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon