LA-Eighteen

34.7K 977 31
                                    



       LA-EIGHTEEN [Where it starts.]

                           ----

   AUDRIE

"Naman kasi! Okay na nga ako! Oh tignan mo pa!" Sabi ko at tumalon talon pa sa harapan nya.

"Shut up! Magpahinga ka nalang." Saway nya pa ulit sa pang anim na pagkakataon.

Wala na akong nagawa nang tinulak ako ni Ali sa hospital bed, nasa clinic ulit ako, suki na talaga ko dito, kilala na nga ako ng mga nurse pero sya hindi ko naman kilala. Dinala nila ko dito, pagkatapos ko daw mahimatay. Pero hindi ko talaga maalala kung bakit ako nahimatay, okay naman ang pakiramdam ko, kaya hindi ko alam kung paano nangyari yon. Napatigil ako ng bumukas yung pinto.

"Hi Audrie!" Agad na napatingin ako ng makita ko kung sino ang pumasok, ngumiti sya at kumaway sakin.

"Hello Jake." Bati ko at kinawayan din sya.

Naglakad sya palapit sa pwesto ko at umupo sa tabi ko. "I heard nawalan ka ng malay kanina? Kamusta ka na?"

Ngumiti ako."I'm fine now. Teka, bakit wala ka kahapon?"

"May inasikaso lang ako. Inutusan ako ng headmaster, kaya excused ako sa klase natin kahapon, teka ano ang weapon mo?"

"Ganon ba." Itinaas ko ang kaliwang kamay ko, kasi nasa kanan yung singsing na binigay sakin ni Sen. "Ito oh! Bow and arrow ang sakin! Pero Okay na talaga ko."

"Cool! Good to hear that, anyways, i have something for you." Inabot nya sakin ang isang maliit na bottle.

"Ano 'to?" Tanong ko habang pinag mamasdan ang inabot nya sakin.

"Pinnhōnī Potion." Napakunot naman ang noo ko sa sinabi nya.

Ano daw? "Saan galing? Tska paano ka nagkaroon nito? At ano pinnhōnī ba kamo? Ano yon? Pagkain ba yon? Ha?" Sunod sunod na tanong ko, I then heard him chuckled.

"Daming tanong?" hinawakan nya at shinake ng konti." Pinnhōnī is a potion that heals any wounds and any body pains, it came from the word secret in tajik, Actually." Tumigil sya at ngumiti sakin."Ikaw ang unang makakagamit nito." He then wink.

Natawa naman ako. "So guinea pig pala ako dito?" Natawa naman sya at ginulo ang buhok ko. "Well then, thankyou Jake." Tumango sya at naglakad papunta sa pinto.

"My pleasure, sige una na ko. Magpalakas ka, sabi ni mam Aiji, icocontinue daw natin ang training pag okay ka na, para naman daw makasabay ka samin, since you're the new girl." Natawa ako nang in-emphasize pa nya ang huling sentence nya.

Tumango ako. "Thankyou ulit." Sabi ko at ngumiti.

"Get well soon. I'll see you." Yun lang at unti-unti na nyang sinarado ang pinto.

Ang bait pala ni Jake? Kwela pa kausap, mukhang pagod na pagod sya, kasi habang nag uusap kami kanina medyo namumungay na ang mata nya, kawawa naman sya, sana makapag pahinga sya para makabawi ang katawan nya, baka kasi magkasakit pa sya.

Bumuntong hininga nalang ako at inayos ang pagkakahiga ko, ipinatong ko muna ang gamot na binigay sakin ni Jake, mamaya ko na siguro iinumin to, bigla akong inantok.

-Kinabukasan-

Kanina pa ko gising, 3 am to be exact, hinihintay ko lang na mag tumunog yung alarm clock sa side table. Kagabi pa simula nang makauwi ako, hinatid ako ni Ali at Xander, nakipag kulitan pa sila sandali sa ibang upper class bago tuluyan na umalis Maraming gumugulo sakin.

Lecquares AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon