Real: Twenty Four

17.3K 478 17
                                    





                       X A N D E R

"Saan naman natin hahanapin 'yon? Kanina pa tayo paikot ikot dito ah." Sigaw 'ko habang nandito kami sa malaking kwarto.

Nandito kami sa isang mansion, dito daw kasi nadetect ni Mel yung stone na hinahanap namin.


"Maghanap ka na nga lang dyan. Kesa reklamo ka ng reklamo. Daig mo pa babae." Tae. Tinarayan nanaman ako ni Mel.


Ilang oras na kami na nag iikot wala pa din naman kaming nakikita.


Napatigil at nagkatinginan kami ng maramdaman namin ang mahinang pag galaw ng sahig.


Ano 'to?


"Woah." Magkasabay na nasabi namin ni Justine.

Sa harapan namin, biglang nag iba ang right side ng napaka laking kwarto na 'to. Unti unting nagkaron ng tubig, hanggang sa naging parang mini ocean ito. Pero mas mukha syang portal na kulay blue.

Maya maha pa ay may lumabas na isang babae. Sht bro. Ang ganda!

"Magandang araw sainyo mga bata." Grabe pati boses, ang lamyos. Parang hinehele ka. Muntik na ko'ng mapasigaw ng marealized 'ko ang suot nya. Sobrang sexy men! Naka two piece na oceanic designed, tapos naka braid ang mahaba na kulay blue nyang buhok. 

"Who are you?" taas kilay na tanong ni Mel. Kahit kelan talaga ang babae na 'to, walang pinipiling tatarayan. Haaynako.

"Ako nga pala si Ayna. Ito ba ang hinahanap 'nyo?" Sabi nya at nag form ng circular movement using her right hand. Ilang sandali pa ay may lumabas na mirror, at nandon ang hinahanap namin na bato.

"Teka! Bakit nasainyo yan? Tska nasan yan? Bakit nasa salamin lang?" Di 'ko napigilan na tanong at itinuro ang salamin.

"Ito'y nasa aming kaharian. Nasa pinaka ilalim, at walang ni isa man ang nag nanais ni magtangka na pumunta dito. Gustuhin man namin tulungan ang mahal na reyna at mahal na hari ay hindi namin magawa." Malungkot na sabi nya.

"And why?" Bigla naman tanong ni Casper, kaya napatingin kami sakanya. Napayuko naman si Ayna ng makita sya. Buti kilala nya si Casper? Tumango lang sya bilang sagot sa babae.

"May harang ang mismong kinalalagyan ng bato, idagdag pa ang mga cubus na nagbabantay nito. At hindi pwedeng hawakan ng sino mang lamang dagat ang bato."

"Cubus? Again?"


Tumango sya. "Oo. Dalawa ang uri nila. Ang isa ay ang sa lupa, kubg saan halimaw sila, at ikalawa sa ilalim ng tubig. Sila naman ay kalahating halimaw at kalahating tao na naatasan na magbantay sa bato."


"You mean shokoy?" Natawa naman kami sa sinabi ni Zamira. Shokoy talaga? 


Napakunot ang noo ni Ayna, pero agad din naman na yumuko. Hala.



"Paano pala namin makukuha yan?" Baling ni Justine.



"Kaylangan kayo ang pumunta at makipaglaban sakanila. Matutulungan namin kayo para nakahinga sa ilalim ng tubig. Ngunit panandalian lamang ito. At kaylangan nyong makuha ang bato bago pa kayo maubusan ng hangin at hininga sa ilalim."


"Teka. Gaano lang ba katagal ang aabutin ng tulong nyo samin?" baling ni Ali.


"Kinse minutos lang ang itatagal nito. Alam 'ko na imposible. Mahirap kalaban ang mga Cubus sa ilalim ng dagat. Masyado silang malalakas. Baka hindi pa kayo nakaka kalahati, ubos na ang hangin 'nyo." Dismayadong sabi nya.



Lecquares AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon