LA- Twenty Eight

31.1K 932 28
                                    


LA-TWENTY EIGHT: [Where it starts.]


AUDRIE


"Saan tayo pupunta?" Pabulong na sabi ko sakanilang dalawa. "Baka malaman ng mga kasama nyo to!"


Tahimik at madilim ang paligid, though may ilang ilaw at naglalakad na guard sa paligid, satingin ko nasa garden kami, sa dami ng bonsai, at iba't ibang klase ng halaman, sino ang hindi mag iisip?



"We have to get you out of here." Sabi ni Luke pero diretso pa rin sya sa paglalakad, at busy pa rin si Fang sa paghila saakin kung saan man sila pumunta.



"Pero malalaman ng mga kasama nyo pag nawala ako." Sagot ko, totoo naman kasi, sigurado na malalaman din nila 'to.



"Don't worry, nagawan na namin yan ng paraan bago mo pa sabihin, all you have to do now is to get your ass off here."



Malapit na kami sa isang hindi kataasan na wall ng biglang tumunog ang nakakabinging alarm, kaya napahinto kaming tatlo sa paglalakad, tinignan ko ang portal na naghihintay saamin.



"Teka ano yon?" Kinakabahan ako, baka nalaman na nilang wala ako sa kulungan.



"It's nothing, tara na."



Kahit hindi ako kumbinsido sa sinabi nila, tumango pa rin ako at nagpahila sakanila, sa ngayon kailangan ko muna makabalik sa Academy, pero bago kami tuluyan na maka alis, naramdaman ko ang pagtulak nila saakin, papasok ng portal, agad na tinignan ko sila, hinihila sila ng anim na lalaking unipormado bilang tagapag bantay, nakangiti lang sila sakin, gusto ko silang balikan para iligtas, pero huli na, kinakain na ako ng liwanag.



---


"Ugh! Please Alison! Ayoko ng damit na 'to! Napaka sikip sa dibdib. Papatayin mo ba ako?! Atska tignan naman 'to! Napaka laswa ng itsura! Mukha akong ewan!" Sigaw 'ko habang tinitignan ang gown na pilit isinusuot sakin ni Alison. Mamaya na ang aquantance party, wala naman talaga akong balak pumunta dun, ano naman kasi ang pakielam 'ko? Hindi naman ako ganon ka socialize na tao, so what for ang pag punta ko sa party na 'yon? Hindi na kailangan, may mga kaibigan naman ako. They're bunch of cool supernatural creatures. Eh, kaya panira si Alison eh. Tahimik na ako dito, tapos bigla nalang akong bubulagain at biglang sasabihin na kailangan 'ko daw sumama sakanya sa party.


Flashback.




Kasalukuyan ako'ng nanunuod ng cooking show. Walang magawa eh. Galing sila Red at Blue dito kanina. Galing pala sila sa isang misyon kaya pala ang tagal nilang nawala, halos kalahating araw din kami na nag kwentuhan, tapos ay nag paalam na sila na magpapahinga muna daw sila. Kaya eto ako, home alone ulit, ng bigla akong nakarinig ng katok, tumayo ako at ipinatong sa lamesita ang kinakain ko'ng Pop corn. Pagbukas 'ko, halos matumba ako sa kinatatayuan 'ko ng biglang may sumunggab sakin.



"Hi Driee! Are you ready fo-" napatigil sya napatingin sa kabuuan ko. Reap jeans at white plain tshirt ang suot 'ko. Kumunot ang noo nya at ibinalik ang tingin sa mukha 'ko.



"Oh. Bakit?" Natatawa ko'ng tanong.



"Anong bakit? Baka naman Audrie sinasapak kita? Alam mo ba kung may ano mamaya?" Tumaas pa ang kilay nya. Kataray talaga nito.


Tumango naman ako. "Uh, party?"


Tumango sya. "Alam mo naman pala. Bakit hindi ka pa naka bihis?"


"Eh, hindi naman ako pupunta don eh. Tska ano gagawin 'ko don? I don't do parties." Kaswal ko'ng sagot atska pumasok sa loob. Sumunod naman sya at isinarado ang pinto, katahimikan ang pumailanlang samin. Dahan dahan ako'ng tumingin sakanya, at halos maibuga 'ko ang kinakain ko ng nakita ko'ng nakangiti sya---ngiti na may gagawin na hindi maganda. Shit, ano nanaman ba?



Lecquares AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon