LA-Eight

44.6K 1.2K 38
                                    


 

         LA- EIGHT [Where it starts.]

              SOMEONE'S POV

Naglalakad ako sa mahabang pasilyo papunta sa opisina ng headmaster, mag rereport ako sakanya ng mga nangyayari, kumatok ako ng tatlong beses bago buksan ang malaking pinto

"Come in." Boses palang nya, bakas na ang authority at ang lakas ng kapangyarihan na tinataglay nya, pero isa sa nakamamangha doon ay walang hirap niyang naitatago ang lakas ng ziel nya, kaya walang nakakapansin na sya pala ang headmaster.

"Did she recieved the letter?" Yumuko ako at marahan na tumango. "Good. Hindi natin alam kung ano ang plano nila, pero siguradin natin na handa tayo anumang oras, dahil hindi lang naman iisa ang kalaban natin ngayon." Tumango ako. "He'll surely want to gey rid those creatures." Sabi pa nya, kaya naman natawa ako, pero agad na din akong yumuko at nagpaalam bago lumabas.

Kahit kami hindi rin namin alam ang mangyayari, kailangan lang namin maging handa, we can't let our guards down, sigurado na gagamitin nila ang pagkakataon na yon pag nagkataon, alam ko din na may ideya na si Audrie sa paligid nya, she's to clever to know nothing.

I bet she's making her ways to know everything. 

                      AUDRIE

"Drie, yuhoo! Wakyy wakyy." Nagising ako sa tapik sa pisngi ko, ilang beses pa akong kumurap bago maging malinaw ang imahe ng tao na nasa harapan ko, then i found na si Jas pala.

"Hey, Jas. Kanina ka pa?" Tumango naman sya at hinipo ang noo ko, siguro para alamin kung may sakit pa ko, pero okay na ko kanina nung bumalik ako sa dorm, nakatulog nalang siguro ako dahionsa sobrang pagod.

"A couple of hours ago, may food ka na dyan, okay na ba ang pakiramdam mo?" Tumango ako, gayunpaman, tinulungan nya kong tumayo at maglakad papunta sa kusina. Umupo ako agad, kumuha naman sya ng bowl at pinagsandok ako

"What's that?" She smile atska nilapag yung pagkain sa harap ko kasama ang kutsara at baso ng tubig.

"Special made soup. Mas mabilis kang gagaling pag kinain mo yan, binigay sakin yan." Tumango nalang ako at nagsimula ng kumain.

"Nga pala, sino yung mga kasama mo kanina? Nakita kita sa harap ng quantum manor, may kasama ka na two girls?" Napatigil ako sa pagsubo dahio sa sinabi nya, gaya ng inaasahan ko, nakataas ang kilay nya.

Ngumiti nalang ako. "Mga bago ko'ng nakilala, Red and Blue." Nakatingin lang sya sakin na para ba'ng akala yata niloloko ko sya. "What? I swear, iyun ang pangalan nila." Umiling lang sya bago iabot sakin ang gamot ko.

"Sige na, sabi mo eh, basta magpagaling ka na para makapasok ka na." Tumango ako at ngumiti ng malapad sakanya.

"Oo nga pala, may alam ka ba na garden na merong mga rare kind of flowers?" Tanong ko nang makita ko yung bulaklak na bigay ni Blue kanina.

Nakanunot lang ang noo nya. "Rare kind? Para saan?"

Umiling lang ako. "Wala lang, kasi tignan mo to." Sabi ko at inabot sa side table ang bulaklak. "Ngayon lang ako nakakita ng ganito, may alam ka ba?"

Sandali pa niya akong tinignan bago tumango. "Meron naman, kaso malayo, makakapunta ka din don sa susunod." Sagot nya kaya ako naman ang napakunot ang noo, bakit ganon? Ganyan na ganyan din ang sagot nila Red nung tinanong ko sya kung saan nila nakukuha yon, malayo ba talaga yon, para sabihin nila na ganon?

Umiling nalang ako para iwaksi ang mga naiisip ko, baka naman malayo talaga, nag iisip lang ako masyado.

      ---

Lecquares AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon