LA-Twelve

32.7K 1K 35
                                    

                            AUDRIE

Nakatayo pa rin ako sa harap ng pinto, hindi pa ako nagbabalak pumasok, kinakabahan ako na ewan. Bakit mag isa lang akong dinala dito sa upper class? Bakit wala akong kasama? Tsaka bakit malayo na to? Papatayin na ba nila ko kasi nalaman nila ang ziel ko?

Napailing na lang ako sa mga walang kwentang bagay na naiisip ko, kung gagawin man nila yon, lalaban ako no, para saan pa ang mga itinuro sakin kung hindi ko naman pala gagamitin diba?

Dahan dahan akong naglakad papasok sa pinto na pinag iwanan sakin ng isang admin kanina, nakayuko akong naghanap ng mauupuan ko, parang wala naman sakanila, nang mapagmasdan ko ang paligid, doon ko lang napansin na sampu lang kami dito, and iba ang design ng room upper class, kesa sa iba, it's a high class interior.

"Audrie my friend?" Napatingin ako sa tumapik sa balikat ko.

"Justine!" Masayang bati ko sakanya, buti naman at kahit paano meron akong kakilala dito. "Dito ka rin pala, tsaka yung mga tropa mo?" Sabi ko at itinuro yung dalawang kasama nya na ngayon ay nakaupo na.

"Yep, kulang pa kasi tayo, pero ipapakilala na kita, tara!" Aya nya sakin, magsasalita na sana sya pero biglang tumunog ang bell.

Hindi ko alam kung saan galing yon, this is the first time that it rang. Nakita ko ang pagbabago ng mukha ni Justine, pero agad na bumaling sya sakin ng biglang umilaw ang bracelet ko.

"A-audrie." Kasabay non ay may naramdaman ako na kung anong bagay sa sikmura ko, and i saw there, my own blood, with an arrow stabbed on it, takot sa dugo, ramdam ko na ang panginginig ng kamay ko.

Napaupo ako, i can't barely breath, i saw them, running towards our direction, and everything got blurred.

--

Nagising ako sa isang puting kwarto, balak ko sana tumayo, pero agad din naman akong napabalik sa pagkakahiga dahil sa biglang pag sakit ng sikmura ko. Itinaas ko ng bahagya ang hospital gown na suot ko, at nakita ko may benda na nakaikot don hanggang sa bewang ko.

"How are you feeling?" Ibinaba ko agad ang suot ko nang may marinig ako na boses. "It just so happend that i have some fruits." Sabi nya at ipinatong sa table malapit sa kina hihigaan ko.

"Ah hello, ikaw yung friend ni Justine, right?" Tanong ko, tumango naman sya at hinila ang silya malapit saakin.

"Casper." Pakilala nya, at inilahad ang kamay nya.

Maagap na tinanggap ko naman yon, pero napakunot ang noo ko, may kakaiba kasi akong naramdaman nang hawakan ko ang kamay nya, at mukhang naramdaman din nya yon, at nag iwas ng tingin.

"Nasaan pala ko?" Basag ko sa katahimikan namin, nakaka bingi kasi.

"Obviously, hospital." He said.

Pinigilan ko ang sarili ko na tirikan sya ng mata, bastos ang isa na to ah, tinatanong ng maayos, ayaw sasagot.

"I mean, saan at ano ang ospital na to." Umakto pa sya na parang non lang nya na gets ang sinabi ko, pero sa totoo lang, hindi sya magaling umarte, hindi bagay sa mukha nya.

"This is still part of the academy." Sabi nya, naiilang ako sa klase ng tingin nya, baka kaya mind reader to? Tapos binabasa na nya ang iniisip ko sakanya?

I heard him chuckled kaya napatingin ako sakanya, doon ko lang napag masdan ang mukha nya, may same feature sya na hindi ko malaman kung saan ko nakita.

"Bakit?" Umiling lang sya at tumayo, ibinalik na nya ang silya sa pwesto nito.

"I'll get going, see you in the class." Yun lang at umalis na sya. Hindi pa ako nakaka hupa sa pagdating nya ay may bago nanaman na dumating.

Lecquares AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon