Real: Four

25.7K 853 11
                                    




                             --------------

So anong katangahan ang ginagawa mo Zamira Woodswen? Bakit ka nandito sa lugar na 'to? You oath to yourself na pagkatapos ng nangyari nung nakaraan sa bar na to, hindi ka na ulit babalik dito dahil baka iba na ang makasapo sa'yo at tuluyan ka nang marape, sayang ang kagandahan mo diba? Pero anong kagagahan nga ang ginawa mo dito? Lumalandi ganon? Gusto mo ulit makita sino nga yon? Si Senri?

I sighed. Nakakainis.

Aminin ko man o aminin, alam ko naman sa sarili ko na isa lang ang dahilan kung bakit ako bumalik sa bar na 'to, tutal ako lang naman ang may alam.

Yeah, i want to see Senri Grimwood again, gusto ko lang sya maka kwentuhan, hindi kasi ako sanay na may inaapproach pag nasa school, so i doing it outside. Kanina pa ko dito, pero walang anino ng lalaki na hinihintay ko. I sighed again for the nth time, nahihirapan akong huminga na naiiyak at hindi ko talaga alam kung bakit.

Isang baso lang ang ininom ko bago napagpasyahan na lumabas ng bar, hindi magandang malasing nanaman ako, siguro tyempo lang na nandon sya that night na nalasing ako, pero ngayon wala na, kaya ayoko nang maglasing.

Malamig na hangin ang sumalubong sakin, Ber month is about to start, kaya iba na rin ang simoy ng hangin, amoy malapit na mag pasko, but i doubt it na magiging masaya ang christmas ko, i don't have reason to be happy, wala na akong pamilya, isang matandang hukluban na laging kunot ang noo ang natitira sakin, na hindi naman kami close, mag papadala lang sya ng regalo every christmas, birthday, or any event. Five days from now, birthday ko na. At wala akong kahit anong plano, matutulog nalang siguro ako maghapon, it's nothing but an ordinary day. Nadagdagan lang ang edad ko, that's it. Dumiretso ako sa parking area at umupo sa motor ko, rinig na rinig ko pa rin ang ingay na nanggagaling sa loob, hindi naman kasi ganon kalayo ang parking space na nilugaran ko.


"You're here again." Isang pamilyar na boses ang nagsalita kaya agad na nag angat ako ng tingin. "I told you to take care of yourself." Parang nangangaral na sabi nya at umupo din sa motor ko, pero sa kabilang direksyon, para siguro hindi bumagsak.

"Yeah." I'm here to see you, and now that i did, i want to go home, i feel so tired. "Why are you here?" Imbes ay tanong ko.

Naramdaman ko naman ang pag iling nya. "Am i not allowed here?"

Napabuga nalang ako ng hangin dahil sa sinabi nya, hindi ba obvious na gusto ko pahabain ang usapan namin? Nakakainis ha. Tumayo nalang ako at pinagpagan ang damit ko, at tinignan sya, nakalingon na sya at parang nagtataka kung ano ang ginagawa ko.

"Alis dyan. Uuwi nalang ako, wala kang kwenta kausap." Sabi ko at tinapik ang balikat nya para umalis na sya sa pagkaka upo. Pero umiling sya kaya naman mas lalo akong nainis. "Mr. Transferee, umalis ka na dyan, uuwi na ko dahil gabi na, halata naman kasi na ayaw mo makipag usap sakin, hala sige layas dyan, baka may babae ka pa na pupuntahan sa loob kaya ka nandito." At inirapan sya, tsaka pumwesto na sa motor ko at handa nang umalis.

"Pft." Imbes na paandarin ay tinigan ko sya. "I love the view." He said, halata sa mukha nya na natatawa pa rin dahil sa sinabi ko.

"The feeling is not mutual, umalis ka na dyan." Hinihintay ko na umalis sya, at halos malaglag ang puso ko dahil sa ginawa nya, iniangkla nya ang mga braso nya sakin, at mahigpit akong niyakap, sandali akong napatigil. "A-anong ginagawa mo? Sira ulo ka ha! Chansing ka!" Pinipilit kong tanggaling ang kamay nya, pero masyadong mahigpit, kaya sa huli sumuko na rin ako. "Sen, uuwi na ako, kaya alis na." Sige, okay lang yan. Pabebe masyado, gusto naman.


Lecquares AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon