Real: Eleven

26.1K 799 91
                                    







         ZAMIRA

"Zamiraaaaaa!" My forehead crease when i heard my uncle's voice echoes in the whole mansion, prente lang ako na nakaupo sa sofa. It's a boring saturday evening, ten o'clock in the evening na kasi, gusto ko sana lumabas to unwind, kaso tinatamad ako, baka kung ano nanaman ang mangyari sakin pag naparami ang inom ko, kaya dito na lang muna ako for the mean time, habang pinag iisipan ko pa ang mga nangyayari sakin nitong nakaraang araw.

I stood up from the sofa when he walks toward my direction, from the stares, he's mad. I know, very obvious.

"What now?" Tinatamad na sagot ko sakanya, at bahagyang ibinaba ang phone ko para tignan sya, naka office suit pa sya, pero medyo nakatupi na, maluwag na rin ang pagkaka ayos ng neck tie nya at gulo ang buhok.

"Nasan si Sally?! Anong ginawa mo sa kanya?! Sabi ng mga maids, ikaw ang huli nyang kausap bago sya mawala! Kaya nasan sya?!" Sigaw nya, ahhh, si bruha na may dual personality pala? Mula sa pagkakakunot ng noo ko, tumaas ito, alam na pala nya? Teka, two days ago pa yon ha? Bakit ngayon lang nya nalaman? Ay busy nga pala sya masyado para yumaman, tapos mamamatay din naman, wala rin kwenta ginagawa nya.

"I don't know where she is, baka naman nag shopping, o baka naman nasa mental na, hindi ka yata informed na dual personality yung muchacha na kinuha mo, palpak ang agency na yan, well marami ka naman kasing kayaman, magpalit ka na lang." Sagot ko, tska umupo ulit sa sofa at nag browse sa phone.

"Tumigil ka sa kahibangan mo na yan Zamira, alam ko na ginamit mo nanaman ang kakayahan mo sakanya, sinasayang mo ang meron ka."

Feeling ko nabato ako sa narinig ko, nabitawan ko ang hawak ko dahil kusang nanginig ang kamay ko, how did he knew about that? Who the hell told him? Yung tatlong kulugo ba? Anak ng putcha naman! Madaldal pala yon? Psh. Dahan dahan akong napatingin sakanya, bakit ganito? Pakiramdam ko maiiyak ako, dahil nahuli ako sa kasalanan na nagawa ko, he looks calm now keysa kanina pagdating nya.

Is he going to call me a monster? Will he?

"What are you talking about old man? Are you nuts? Seriously? Sino pa ang maniniwala sa kababalaghan na sinasabi mo?" Sabi ko, at umiwas ng tingin sa kanya.

"Hindi mo maitatago sakin ang kahit ano Zamira, alam ko ang lahat ng tungkol sa'yo, mula sa pinaka maliit hanggang sa pinaka malaki, kaya pakiusap, itigil mo na yan." Malambot ang ekspresyon ng mukha nya, pero hindi na nya ako madadaan sa mga drama nya.

Hindi ko alam kung matatawa ba ko o magagalit sa sinabi nya, alam nya? Madalang pa sa patak ng ulan sa disyerto kami mag kwentuhan, so paano mangyayari yon? Ano yon may ziel din sya para malaman ang nangyayari sakin? Can he read my minds? Did he know what i am doing?! Fvck.

"Really? Alam mo ang lahat ng tungkol sakin? How come? Palagi ka nga busy sa pag papayaman mo, ni wala ka ngang time sakin, simula ng magising ako sa coma, ganyan ka na. You don't know what you're talking about! You know nothing about me! So don't pretend, like you're a real uncle, coz really, you're not, hindi talaga bagay kahit anong isip ko, so please, stop it too." Masama ko syang tinignan, nagbabadya ang mga luha ko na bumagsak. Those word i'm holding for the past two years, suddenly blurt from my mouth.

Hell no Zamira! You wouldn't want him to have pity on you. You don't need that!

"I love you as my own daughter, kaya ano ba ang sinasabi mo? I gave everything you need." Dahilan nya pa.

"No! You never gave what i really need! You old hag! I hate you! I hate you! I hate you so much!" Sigaw ko, his face soften, halos malabo na rin ang nakikita ko dahil sa mga luha na nagbabadyang bumagsak sa mga mata ko, na dapat ay pigilin para hindi nya makita.

Lecquares AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon