Real: Thirty

13.1K 295 16
                                    


A/N: Sorry na talaga! Huhu. Busy kasi ako. Ngayon ko lang tuloy natapos, pasensya na kung wala masyadong fight scenes ang chapter na to, which supposed to be ay meron, pero dahip hindi ako magaling talaga sa ganon, imaginin nyo nalang sa description ko. HAHAHAHA! Thankyou for waiting! Enjoy this chapter. 💕❤

ALIYAH


"Okay fine!" Napatigil ako ng marinig 'ko ang sinabi ng Ayami na 'to. "Just stop, okay na. You win." Tinignan 'ko sya ng maigi.


"Okay." Sabi 'ko atsaka tumayo ng maayos. "Now, bakit kayo nandito? Hoy bubwit! Sagot!"


"Inutusan po kasi kami ni Queen Acquerza. Sabi nya may masasama daw na papasok dito sa bahay namin, papatayin nyo daw kami. Kaya po syempre, ipagtatanggol po namin sarili namin." Sabi nya. Muntik na 'ko matawa sa way ng pag eexplain nya. Parang baby pa talaga. Ang cute nya! Jusq!


"And now? Mukha ba na papatayin namin kayo?" Taas ang kilay na tanong 'ko. Nagkatinginan pa sila na para ba'ng nag uusap.


"Pero hindi magsisinungaling si Queen Acquerza!" Sigaw nung Ayami, na naging dahilan para matawa 'ko.


"Talaga ba? Tell me, gaano na ba kayo katagal dito?"


Napakunot naman ang noo nila sa tanong 'ko.


"Dalawang taon." Sabay na sagot nila.


"See? Dalawang taon pa lang, at hindi sapat ang ganoon kaikli na panahon para masabi nyo na hindi kayang magsinungaling sainyo ng itinuturing nyo na reyna reynahan." Pa cool pa na sagot 'ko, at prenteng umupo sa table na nasa gilid 'ko.


"Anong karapatan mo para sabihin yan? Kilala mo ba sya! Eh ngayon ka nga lang pumunta dito!" Sa nakikita 'ko, mukhang naattached na masyado yung Ayami keysa dun sa Braze. Grabe nya ipagtanggol eh.


"Sino nagsabi na first time 'ko lang pumunta dito?" Hindi 'ko mapigilan na tarayan sila. Mga judgemental ang babae na 'to ah. Sarap sabunutan sa kilay. Kaloka!


"Dahil unang beses ka lang namin nakita dito malamang!"


Inirapan 'ko nalang sya. Ang hilig nya sumigaw, pansin 'ko lang talaga.


"Eh paano nyo nga kasi ako makikita? Nandito ba kayo 13 years ago? 2 years ago pa lang diba?"


Napatigil sya at matiim na tumingin saakin, napatingin ako dun sa Braze nung sya yung nagsalita "Anong ibig mo sabihin po? Nauna ka samin ate?"


Tumango ako. "Malamang. Dito ako lumaki. Nandito na 'ko simula nung 3 years old ako, at umalis lang ako ng malaman 'ko ang katotohanan, satingin ko 18 ako non? Oo, parang ganon nga."


"Anong katotohanan ang sinasabi mo dyan?" Kunwari pa sya, halata naman na interesado sya. Sus.


"Gusto nyo malaman?"


Tumango lang sila, kaya naman napangiti nalang ako. "Sama kayo samin, aalis kami dito."


--


"Grabe Zamy ha? Ang tagal nyo dumating." Sabi 'ko pagkatapos 'ko syang gamutin. Sya na ang huli sa mga friendships 'ko na may mga sugat. Galing talaga yata sila sa gyera.


"It's a little bit difficult." Tanging sagot nya, kaya tumango nalang ako. Kumpleto na kami dito sa room na pinag iwanan sakin ni Zamy kanina.


"Who are they?" Napatingin ako sakanya ng ituro nya ang dalawang babae sa gilid na nakaupo at nakatingin lang samin.


"Ah, mga nakalaro 'ko kanina. Si Ayami yung parang ka age natin, then si Braze naman yung may hawak na teady bear."


Lecquares AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon