Real: Thirty One

13K 273 13
                                    





                             MELODY

"Ano na kaya ang nangyayari sa kanila? Alam na kaya nila na hindi tayo yung kasama nila?" I can't help but to cry. Naloko na kaya sila nung mga chakang impostor na yon?

"Kalma ka lang Mel. Kilala nila tayo, hindi pwedeng hindi nila malaman na hindi tayo ang kasama nila nung nakaraan pa. Lalo si pareng Casper, sigurado, kalmado lang yon." Tinignan ko sya ng masama.

"Sira ulo ka ba Justine? Bakit kalmado imbes na nag aalala?"

"Mel, wala kang tiwala sa labs mo? Pambihira ka naman! Hindi lang basta taga Magique Ziel ang nainlove sa mukha mong mapanlilang, kundi prinsipe! Su-araaaaay! Ano ba?! Nag jojoke lang naman."

Umirap ako pero narinig ko pa din ng tawa nya. Grabe, kung hindi ko siguro kasama si Justine, buryo na buryo na ko. Ilang araw o linggo na ba kaminv nandito sa mabaho na to? Napatingin kami sa pinto ng tumunog ang kadena nito. Oras na siguro ng pagkain namin kaya may bantay na papasok. Dahil wala kahit bintana manlanvmg, hindi na namin alam kung umaga pa ba o gabi na. May kaunting siwang lang sa taas ng pinto kaya nakakahinga kami, madilim din at malamig.

Pero napatigil ako sa pag iisip ng may maramdaman ako na kakaibang Ziel. Pamilyar na pakiramdam kaya agad na napatingin ako kay Justine. Nakangiti lang sya sakin.

"Oh, nandyan na ang prince charming mo." Natatawa nyang sabi, sakto naman na bumukas ang pinto.

Iniluwa naman nito ang pamilyar na bulto ng matangkad na lalaki, at ilan pang pigura ng mga babae at lalaki. kahit madilim, alam ko pa din na sya yon.

"Casper." Nasabi ko nalang, yung mga luha na matagal nang gustong lumabas sa mata ko, ngayon lang lumabas, ngayon ko naramdaman lahat ng emosyon sa nakalipas na araw.

"I'm sorry i'm late. We have to finish first her game." Sabi nya pa. Rinig na rinig ko ang paghahabol nya ng hininga, implikasyon na tumakbo sya. Halos malaglag naman ang puso ko ng yakapin nya ko ng mahigpit, na ngayon nya lang ginawa. Ramdam na ramdam ko ang mainit nyang katawan. Sana hindi ako nananaginip lang. Sana totoo na yakap nya talaga ko. Nag alala ba sya? Bakit? Mahal na ba nya ko? Hindi kahit, Gusto na ba nya ko? "I was so worried, i'm glad you're safe and sound. I missed you."

Napapikit nalang ako at gumanti ng yakap sakanya. Sobrang tagal kong pinangarap kahit yakap lang. Kasi sa tagal ng panahon na magkasama kami hindi sya naging vocal sakin. Seryoso sya masyado. Puro lang sya kilos kaya hindi ko alam kung may meaning ba o wala ang mga bagay na ginagawa nya para sakin. Kahit nung sinabi nya na pakakasalan nya ko, hindi ko alam kung totoo yon. Pero ngayon, narinig ko, sinabi nya talaga. Nag alala sya sakin, na miss nya daw ako.

"Oh, tama na yan mga minamahal ko'ng kababata, nakakaiyak na tagpo na talaga. Nandito pa ko." Napadilat naman ako at napakunot ang noo.

"Epal ka talaga kahit kelan Justine." Nasabi ko nalang, tumawa nanaman ang lalaki. Nilapitan sya ni Casper at tinulungan na tumayo.

"What happend to you? Why did you let them make bruises on your face?"

"Kasi mas mahal ko ang buhay ko keysa sa mukha ko." Pinanlakihan ko naman sya ng mata. Lintek na lalaki to.

"Why?"

Natahimik at nagkatinginan naman kami ni Justine. Dahan dahan kong itinago ang kalmot ko sa braso. Pero sino ba niloko namin? Malalaman nya din naman.

Lecquares AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon