LA-Twenty One

29.2K 928 28
                                    




       LA-TWENTY ONE [Where it starts.]

                                  ---

     AUDRIE

"I think we're already here." Tumigil kaming lahat sa paglalakad ng biglang magsalita si Ryuu, nasa harapan sya kasabay sila Casper at Justine.

We all took a glance, it stood alone on the forest, a gaunt and creaky relic of Victoriana, dingy grey, paint-flaked and neglected, its windowpanes smeary with age and dirt, its brickwork crumbling away. Adorned as it was with all manner of gargoyles and carvings, the path to the door was overgrown with bushes and brambles whose thorns reached out to capture the unwary.

"Seriously Ryuu? Are you kidding us? That, that creepy and eww house?" Sabi ni, sino pa ba? Edi ni Melody.

Tumango naman sya. "Yes. This is the end part of this forest, this is the only house in this area." He said, at tinignan ang map na binigay ng headmaster saamin kanina bago kami umalis ng academy.

"We should go inside then, wag na tayo mag sayang ng oras, time is ticking, ayokong masayang ang kagwapuhan ko sa lugar na 'to no, kaya taralets na." Suhestiyon ni Justine. Tumango naman kami lahat at nagsimula nang pumasok.

"Psst audrie!" Napatingin ako sa bulsa ng bag ko nang may sumitsit.

Nanlaki naman ang mata ko ng makilala kung sino ang tumawag sakin. "Ralph." I wispered and smiled.

"Hello, sumama ako ha, bored na kasi ako." He said.

"Paano ka nakapunta dito?" I asked, tinitignan tignan ko din ang mga kasamahan ko, baka kasi makita nila, buti nalang at nasa likod ako, hindi ako masyadong mapapansin.

"Pumasok sa bag mo, kanina, galing nga eh hindi mo pala ako napansin? Kung di pa ko lumabas." Kasabay non ang maliit nyang tawa kaya natawa na din ako, nakakatuwa talaga si Ralph.

"Tao po!" Justine shouted. "Tao po!" Napatigil ako sa pakikipag usap, pumasok naman si ralph sa bulsa ng bag ko, nakita ko sila Justine at Alex na nasa terrace na ng abandoned house na 'to.

Ilang minuto na din ang lumipas nang tumawag kami, pero wala naman sumasagot sa tawag namin, kaya napag desisyunan namin na pumasok na, pero hindi namin inaasahan ang sumalubong sakin pagbukas namin ng pinto.

"Fvck!" Sigaw ni Melody, kaya napayuko kaming lahat.

Sino ba naman ang hindi magugulat? Bago pa man kami pumasok may mga nagliliparan na mga matutulis na bagay.

"Mel! Audrie!" Narinig ko ang mala kidlat na boses ni Casper, nakita ko na hinila nya ako at si Mel sa tabi nya atsaka naglagay ng barrier, pero mukhang hindi inaasahan ni Casper na ganoon kadami ang mga tatama samin.

"Shit! Marami pa!" Puro sigawan namin ang maririnig sa buong kabahayan, iwas, talon, yuko at kung ano ano pa'ng paraan para lang makaiwas kami at hindi matamaan ng mga kutsilyo, sphere, arrows, katana, blades at kung ano ano pa.

Hindi ko na alam kung gaano namin katagal ginawa ang pag iwas na yon, pero nang makita namin na wala na'ng lumalabas, lahat kami napahiga sa damuhan. Kahit basa at medyo mabaho na 'to, hindi namin ininda yon, siguro dahil na din sa pagod namin.

"Grabe." I muttered as i gasp some air, pasimpleng bumitaw na ko sa pagkakahawak ni Casper at Mel sa magkabilang braso ko, at umatras ng kaunti, nakita ko ang bahagyang pamumula ng braso ko, dahil na rin siguro sa higpit ng kapit nila kanina.

Lecquares AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon