LA-Four

65.2K 1.6K 46
                                    


              LA-FOUR [Where it starts.]


THIRD PERSON

"Hindi ka basta pwedeng lumabas na lang bigla at magpakita sakanya! Mapapahamak ka sa ginagawa mo, alam mo yon, at alam mo din na hindi pa kayo dapat magkita." Nakatingin lang ang ito sa kanya habang nakaupo.

"I can't help it." Tanging sagot ng lalaki. Bakas ang awa sa mukha ng nag sasalita, pero wala pa silang magagawa sa ngayon kung hindi ang mag hintay.

"Just chill, okay? Alam mo naman na nakamasid pa rin sa atin ang mga Ravens, hindi natin alam kung ano ang plano nila."

Napakunot ang noo nito dahil sa sandaling pagbabago ng mukha nya dahil sa narinig.

'Para saan yon? May plano nanaman ba ang bata na 'to?' Tanong nito sa kanyang sarili.


AUDRIE

"Sira ulo ka talaga! Di parin ako maka get over don!" Sigaw ko sabay hampas sa lalaking kasabay kong maglakad.

Tumawa pa rin sya ng tawa. "Di ka naman nagtanong ah?" Inirapan ko sya at mas binilisan ang paglalakad.

"Bahala ka sa buhay mo. Nakakainis ka talaga!"

"Wait up! Zyle!" Sigaw nya ulit sa pangalan ko, pero di ko pinansin. Lakas talaga ng tama ng isa na 'to. Bakit ko ba to naging kaibigan? Para syang si Jas. Napatigil ako ng biglang may humila sa braso ko.

"Hey. Are you mad?" Di ko sya pinansin at naglakad ulit.

"Zyle! Sorry na!" Habol nya parin sakin. Tumigil ako at tinignan sya ng masama. "Hehehe, sorry na friends naman tayi diba." Sabay peace sign nya. I rolled my eyes. Damuhong to.

After ng usapan namin na 'yon dumiretso na kami sa meeting place na sinabi ni mam Aiji kahapon para pag usapan ang tungkol sa gagawin namin sa festival. Nakita ko si kuya, dapat tatawagin ko kaso, medjo malayo sya sakin, sa right side nalang pwede umupo, gusto ko pa naman katabi si kuya.

"So, good day everyone. Nasa respective partners na ba kayong lahat?" We all nod and chorus in saying-'Yes' tumango naman sya at inikot pa ang tingin saamin lahat.

"Okay then. We'll start the meeting and assigning task." Binuksan nya yung bag na lagi nyang dala. Minsan tuloy iniisip ko kung anong laman non. Lagi nya kasing dala yon.


Lahat kami nakaupo sa parang maliit na couch na puro Primary color ang kulay. Siguro mga 16 pairs ang nandito. Nahahati kami sa dalawa. Bali sa kanan kami nakapwesto, at nasa kaliwa naman yung iba. Nakita ko na si kuya kanina lang, pero mukhang malalim ang iniisip kasi hindi nya ko napansin, kahit yung pabango ko kasi hindi nya napansin, pag kasi naamoy nya yon alam nya na ako yon, isa lang kasi ang pabango na to sa buong mundo, at si kuya ang gumawa nito. May konting knowledge sya sa mga chemicals, and others stuffs.


"For the right side,The first five pairs, will be assign for cleaning the area and to measure kung hanggang saan or gaano lang every booth."


Nilipat nya yung papel at binasa ulit, yun na siguro ang division of labor ng lahat.

"Okay for the first five pairs at the left side, you'll be incharge for the foods that the students can buy while strolling around."

Para saan kaya yung festival na yon? Ilang linggo pa lang simula nung magstart ang school year.


"Okay, for the last three pairs at the left side, designing of the Festival."


Lecquares AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon