LA-Fourteen

36.1K 1K 22
                                    





        LA-FOURTEEN [Where it starts.]

                         --

AUDRIE

"Okay ka na ba talaga girl?" Natawa na ako ng tuluyan, nakakailan na syang tanong kung ayos na ba ako, it's been four days simula ng magkaroon ako ng formal introduction sakanila, kaya sila na ang lagi ko kasama, though hindi ko sila lahat nakakausap dahil yung iba sakanila, lagi yatang PMS, pero okay lang, nakikinig naman sila pag may kwento o sinasabi ako, kaya alam ko na hindi naman sila totally walang pakielam.

"Okay na nga ako Ali, really, malapit na nga gumaling ang sugat ko eh." Sabi ko, nakita ko naman ang pagtango nya.

Lahat kami nakatambay sa Illuminate garden ngayon, wala daw kasi kaming class for today, dahil may meeting ang heads. Kaya buong araw ang masasayang samin.

"Teka, nga pala, may test tayo sa susunod na araw, naalala ko." Sabi ni Xander, kaya napatingin ako sakanya, busy syang kumain. "Nakita ko kanina sa announcement board, may test daw tayo with the other students."

Napakunot ang noo ko dahil sa sinabi nya. "Anong test? Eh hindi pa naman masyadong nagtuturo ah?"

May nagtap naman sa balikat ko, and it was Ali. "Kasi girl, hindi yon writen test, parang training natin yon, it's a test with the use of ziel, sa test na ito, allowed gumamit na ziel basta hindi mo sila napapatay, masasaktan lang."

Tumango ako, usage of ziel, ibig sabihin gagamit ka ng ziel, so ibig sabihin marami ang pwedeng makakita pag ginamit mo yon, isa lang ang ibig sabihin non.

HINDI AKO PWEDE DON!

Hindi ako pwedeng pumunta don, hindi pwede na makita nila ang ziel ko, though hindi ko pa alam yung ilan sa mga ziel ko, yes i have alot of it, pero hindi ko alam kung dapat ba akong matuwa or what, hindi ko pa kasi nagagamit ulit yon, at kahit na gusto ko man itong gamitin, hindi ko naman alam kung paano ko mapapalabas yon.

"Required ba na pumunta tayo don?"

Tumango naman sila. "Yes, kasi ilan lang naman tayo sa upper class, and besides, once a year lang mangyari to kaya lahat excited pag mangyayari ang event na to, theu have the chance to fight with the upper class." Sagot ni Jake, nag haharutan sila ni Zany at Syl, parang mga bata talaga.

"Bakit? Bawal ba kayong labanan?"

"Hindi naman, ganito nalang, parang give and take kasi yon. Give kasi grabe yung training na ginagawa nila para dito, para matalo kami, and take kasi hindi nila alam na dahil sa perspective at kagustuhan nila na matalo kami, lumalakas sila, they're reaching their limit, na advantage din naman nila."

Tumango ako. "Ganon pala, ayos pala yon eh."

Pagkatapos namin magkwentuhan, nagpaalam na ako sakanila na babalik muna ako ng dorm, inaantok pa kasi ako, sayang naman kung hindi ako matutulog tapos wala naman ginagawa, mukhang may mga pupuntahan pa naman sila na sari-sarili kaya walang problema.

Pagdating ko, wala si Jas, lagi naman wala yon, masyadong busy ang babae na yon, kaya naligo muna ako bago magpalit ng damit at mahiga, gigising nalang siguro ako bago mag dinner, para makaabot ako, hindi pa ako nakakabili ng oreo bars ko kaya wala akong stock ngayon, ayoko pa naman ng nagugutom, nag set ako ng alarm before 6 pm, at nahiga, naalala ko yung sinabi ni Ali, dapat papa i-mark ko na sa calendar ko yon, kaya tumayo ako at naghanap ng pen,

Pagbukas ko ng drawer, siyam na canister ng oreo bars ang bumungad sakin, teka saan galing to? Wala ako'ng matandaan na bumili ako ng ganito ha?

Pero isa lang ang ibig sabihin nito.

Lecquares AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon