Real: Ten

25.9K 849 61
                                    

           

                     MELODY

"How the hell that happend? No freaking way!" Sigaw ko nalang, i really can't believe it. "Anong sinasabi mo Damian?! Are you out of your freaking mind?!"

Naramdaman ko naman ang pag tap ni Justine sa balikat ko. "Kalma lang Mel."


Hindi ko sya pinansin at tinignan lang si Casper na parang hindi nagulat pa sa sinabi ni Damian. "Casper, sabihin mo na hindi totoo yon, imposible naman kasi talaga diba? Kasi kasama ka namin mula nung lumipat kami sa Academy, hindi ba? Tell me and i swear ipapatapon ko sa underworld ang lalaki na 'to!" Sabi ko habang hawak ko ang magkabilang balikat nya, binabadtrip ako ng panot na 'to eh.

Naghihintay lang ako ng pagtanggi ni Casper, pero tinignan lang nya ko, unti unting napababa ang mga kamay ko na nakapatong sa balikat nya.

"It's true, i really am the prince, you've been wondering."

"Paano nangyari yon pare?" Tanong ni Justine, na gusto ko rin naman talagang itanong, naunahan nya lang talaga ako.  

"Every now and then, everything is according to plan. "

Flashback.

               THIRD PERSON

Naglalakad ang mag asawang Ravens sa loob ng kanilang napiling lugar upang mag plano. Parehas na kalmado ang mukha pero labis ang pag aalala sa kanilang kalooban, lalo pa at nakita na ng reyna ang hinaharap.

"Mahal ko, huwag mo masyadong isipin ang mga nakita mo." Pang aalo sakanya ng kanyang asawa.

Pero tinignan nya lang ito. "Hindi. Hindi maaaring ipagsawalang bahala ito, kailangan natin mag plano mahal ko." Malumanay na sagot ng Reyna.

Parehas naman silang napatigil ng pumasok ang kanilang anak.

"Renzeus." Sabay na sambit nila. Ngumiti naman ang batang lalaki na pumasok.

"Where's Zamira mom? I've been looking for her since yesterday, maglalaro kasi kami, ang sabi po sakin ni Jasmine may sakit daw po sya. Kakamustahin ko, is she okay now? Can we play already?" Masayang sabi ng bata, habang nakatingin sa kanyang mga magulang.

Lumambot naman ang ekspresyon ng mukha nila. "Anak, you won't be able to see your sister for the mean time." Mahinang sabi ng Reyna.

Napakunot naman ang kanyang noo. pero agad din naman na binawi ito at ngumiti. "If that's the case, when will i going to see her again? Tomorrow? Day after tomorrow? Ano ba ang sakit nya Ina at hindi ko sya maaaring makita? Nakakahawa ba?" Sunod sunod na tanong nya, pero tahimik lang na nakatingin ang kanyang mga magulang sakanya.

Nilapitan sya ng kanyang ama at umupo na kapantay nya, tska hinawakan ang magkabila niyang balikat. "Renzeus, alam ko na malaki ka na. Kaya maiintindihan mo na ito."

Sunod sunod na tango naman ang ginawa nya. "I'm a big boy now, ano po ba yon?"

"Ang kapatid mo, ibibigay namin sya sa ating pinagkakatiwalaang mga lingkod."

"Pero bakit Ama? Don't you love her? Bakit nyo naman naisip na ipamigay sya?" Naguguluhang tanong ng bata.

"Dahil bukas ng gabi, dadating ang ating mga kalaban at pilit kayo na kukunin samin, hindi namin hahayaan na mangyari yon Renzeus, ikaw ang panganay kaya sa'yo namin ipag kakatiwala ang lahat ng iiwan namin. Kapag umalis kami ikaw muna ang magsasaayos ng Akademya, ikaw muna ang pupunta sa lahat ng pag pupulong bilang halili namin."

Lecquares AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon