Real: Eighteen

27.4K 725 33
                                    



Z A M I R A



"Kain muna tayo." Aya ni Justine samin ng makababa kami sa sleigh. Grabe, isang buong araw din kami na nakasakay don. Kahit pala gumamit kami ng portal matagal pa din pala pumunta dito sa lugar nila, well sabi nila NAMIN daw.



Tumango naman sila at sumabay sakin sa paglalakad. Ibinulsa 'ko na ulit yung sleigh, mahirap na. Kung iiwan namin baka naman mawala.


Dito sa Eretopia ang susunod naming misyon, tahimik kaming lahat habang nag lalakad. Hindi ko alam kung anong oras na, pero alam 'ko na gabi na, dahil sa sunset na nakita namin thirty minutes ago, kaya mga tindahan na lang ang bukas, para lang din kaming nasa mortal world. Kaso dito, nakapatong sa ulap ang mga bilihan, may mga nag hihintay lang ng apprentice siguro ng witches sa baba para kunin ang order ng mga dadating, puro flying lanterns lang ang nag sisilbing ilaw sa buong lugar. Kung titignan mo para ka nang nasa isang haunted city, kung wala yung mga tindahan, isabay mo pa ang malamig na haplos ng hangin sa balat namin.


Pag katapos namin bumili ng pagkain, umupo kami sa bench malapit sa daan, may mga nakatanim na puno at halaman din kasi, para din syang park sa mundo ng mga tao.


"Ibig sabihin dito na talaga 'yon Mel, ha?" Napatingin ako sa gilid 'ko ng magsalita si Justine, nakita ko ang pagtango ni Melody habang hawak yung tracker ng mga hinahanap namin na bato.


"Yes. Malapit na dito ang susunod na bato na kailangan natin kunin." Sagot nya habang tinitignan pa din ang posisyon ng bato sa tracker. Nag hintay lang kami ng ilang sandali, at saka nakita namin bigla ang pag ilaw ng kwintas na nakasabit sa leeg ni Casper at singsing sa daliri ni Justine. Ito ang nag huhudyat samin na dapat na namin simulan ang misyon. Binigay samin ni tanda lahat ng kailangan kaya wala na kaming problema.


Pero dapat namin bilisan ang pag kuha sa mga bato, dahil tatlo't kalahating linggo lang ang nakalaan para matapos namin ang ikalimang misyon at nakapunta sa huling pinaglalagyan ng bato. And unfortunately, this is our third day, pero hinahanap pa lang namin ang second stone. Kaya kailangan na namin mag double time para maabot 'yon. Hay. So stressing.


"Dito na muna tayo kumain." Sabi 'ko tska tinuro yung nasa harap namin na kainan.


Medyo weird sya, kasi halata nga na kainan sya, pero yung labas nya parang burial ang ambience. Creepy. Pero ang nakakapag taka lang, maraming naka pila para siguro kumain, naglakad na kami palapit at saka pumila, nag lean forward ako para makita kung ilan pa yung nasa harapan, at halos malula ako, dahil hindi 'ko na makita ang simula ng pila.


Damn, anong oras kami kakain nito?




---



"Enjoy eating." Walang nagsasalita samin, sabay na sabay kaming sumunggab sa nakahain na pagkain.


Isang oras at mahigit din kaming nakapila. Grabe 'yon, pero ngayon 'ko lang nalaman kung bakit napaka daming nakapila dito.


Ito pala ang pinaka best na kainan dito sa Eretopia, dinadayo pa 'to, kahit malalayo, ito rin ang dahilan kung bakit kahit malayo at hindi sobrang kalakihan pinipilihan pa rin, bukod sa sobrang daming pamimiliian na masasarap na pagkain, mura pa. Hindi mo aakalain na yung sobrang sarap na salad at soup mura lang. Sabi ni Justine kanina, Iba ang pera kada kingdom. Meiah ang pera nila. One meiah is eqiuvalent to fifteen pesos.


Ilang minuto lang ay natapos na kami sa pagkain, tumayo na kami at nag bayad at saka lumabas.


"Saan na ba tayo pupunta Mel?"



Lecquares AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon