Real: Thirty Five

11.1K 227 19
                                    




        JUSTINE

"Gwapo natin ngayon ah?" Napatigil ako sa pag aayos ng three piece suit ko nang marinig ko ang boses galing sa likod ko. Nasa loob ako ng kwarto at nag aayos para sa mahalagang event mamaya.

Nakita ko si Aya na nakatayo at nakasandal sa hamba ng pinto.

I smirk. "Kalma Aya, alam ko, kinikilig ka na right now, pero sorry, kung binabalak mo manligaw, basted ka na agad . My heart belongs to someone else." Natawa naman sya at lumapit sakin.

"Silly. Pinsan ba talaga kita?" Natawa ako lalo dahil sa sinabi nya, inayos nya pa ng bahagya ang neck tie ko.

"The most handsome one, Anyways couz, you look stunning too tonight, anyways." Nag apir pa kami at parehas ngumisi.

Iniangkla naman nya ang kamay nya sa braso ko at sabay kami lumabas ng bahay at dumiretso sa garden. It's past 6 in the evening, malapit na din mag start.

"Grabe no? Parang dati magkaaway lang sila tapos ngayon, ay grabe naman talaga."

"Yeah. It's amazing how they did it, pero halata naman na sila pa rin sa huli no." Nagtawanan lang kami dahil sa pinag uusapan namin.

"Couz." Napalingon ako dahil sa tumawag sakin.

"Querra." I recognized her, ilang beses ko lang kasi sya nakita, bago namin malaman na pinsan ko din pala sya like Aya and Erin.

"Yeah. Wait Ate, where's Erin ba? Haven't seen her." Tanong nya sa katabi ko, tsaka umupo sa tabi ng ate nya, dun ko lang din napansin na wala nga si Erin at Braze. Simula kaninang umaga hindi pa namin sila nakikita.

Tumawa lang si Aya at pinitik ang noo ni Querra. "Let that two brats play. They have a surprise later."

We both shrug, our way of dissmissing it. Tinignan ko ang paligid. I can't help but to smile. Nung nasa gradeschool pa lang kami, laging ganito ang nasa sketch pad ni Mel, sabi nya ganon daw ang itsura na gusto nya kung sakaling ikakasal sya someday, a garden wedding, with her relatives and friends, with the man she'll spend her life with, and that someday is tonight. I'm happy for the both of them. They both deserve this happy ending for getting thru those mess.

Isa isa nang dumadating ang mga member ng counsil na invited sa wedding. I'm now wondering, ano kayang mangyayari if si Zam at Senri ang ikakasal? Would that be awesome? Eh teka, paano naman ang napaka gwapong si Justine? I cri. Hay. Ang hirap pag pogi, mahirap hanapan ng lablyp. Anyways, tsaka ko na iisipin ang buhay pag ibig ko, iiyak ang aking mga fans.

"Stop thinking of fvcking nonsense things Justine." Napapitlag ako dahil sa malamig na boses na nagsalita sa gilid ko.

"Hehe. Hello Senri my friend." Sabi ko nalang at kumaway sakanya, wala pa rin syang emosyon, ganon talaga. Pag sakin talaga walang emosyon. Wala eh, gwapo.

Itinigil ko na ang pag iisip ko ng kung ano anong bagay ng tumunog ang ziel ni Querra. She was assign for that sine she has the ziel of melody, i mean a real melody not our Mel who's getting marry.

Everybody stood up, nakatingin lang kaming lahat sa entrance ng garden. Sunod sunod na pumasok ang mga fairies, dwarfs, the ring bearer, the flower girls with their partners, the the maid of honor, and the brides maid, and there, the most beautifup lady of the night.


MELODY

Hindi ko talaga alam kung anong gagawin ko ngayon. I'm excited but i'm freaking nervous, hindi ako pwedeng umiyak dahil masisira ang make up ko. Where's Zylie ba kasi? She should be here by now. I was about to ask kung nasaan sya, nang bigla syang lumabas sa gilid ko and hold my trembling hand.

Lecquares AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon