LA-Thirteen

35.3K 1K 28
                                    


       LA-THIRTEEN [Where it starts.]

                              ---

AUDRIE

Ilang araw din ang binilang ko bagi nakalabas ng hospital, as of now malapit na mag hilom ang sugat ko, though medyo kumikirot sya, pero sabi naman sakin okay na daw, wag lang daw akong masyadong maglalakad at magbuhat ng mabigat, na hindi ko naman masyadong ginagawa, in a few days siguro magaling na ko.

Kasalukuyan akong naglalakad sa hallway with mam Shienna's accompany, maaga syang pumunta sa dorm namin ni Jas, sinundo nya ko, dahil wala pa daw akong formal introduction sa upper class, at valid naman daw ang reason ko para hindi pumasok, kaya okay lang naman daw. Kanina ko pa napapansin ang paligid, marami sakanila ang naglilinis, yung iba naman ginagawa yung ibang bahay na sira, hindi ko matandaan kung kelan nasira yon, since lagi naman akong dumadaan dito, katulad ni Syl, yung iba sakanila may mga sugat din, lalo ang mga lalaki, para silang napasugod sa laban, wala sa mga mukha nila na makikipag away sila, kaya nakakapagtaka talaga, iba ang pakiramdam ko sa paligid, parang dinaanan ng bagyo sa totoo lang, nawala ang usual atmosphere na lagi ko'ng nararamdaman tuwing umaga pag dadadaan ako dito, tahimik ang lahat, at nakakapanibago yon, sanay ako na masaya ang lahat, early in the morning may mga naglalaro na, may nagwawalis ng mga tuyong dahon, ganon ang akala ko, but it's actually not, it's eerie.

Hindi ko nalang muna pinansin ang mga nakikita ko. "Ah, mam? Bakit po ako kaylangan mapunta sa upper class? I mean bakit ako lang po?" Napatigil naman sya sa paglalakad at tumingin sakin.

"We don't have any idea too, hindi namin alam na madadagdagan this year ang upper class." Sagot nya habang diretso pa rin ang tingin at naglalakad.


"Para saan po ba ang upper class? Bakit hindi sila nadadagdagan?" She sighed, bago tumigil sa paglalakad at tinignan ako.


"You will know, but not now." Tumigil kami sa isang kulay puting pinto, may infinity at butterflies. Tumingin sya sakin "I'll go ahead." Tumango ako at ngumiti. Sinundan ko sya ng tingin hanggang sa lumiko sya sa hallway.

Humarap ako sa pinto na nakasarado parin at Bumuntong hininga, atska binuksan dahan dahan ang pinto.


May inabutan ako na medyo oldy woman, she stop, and look at my direction. "GoodMorning miss?" Napatingin ako sakanya. She looks like an angel, she has this cotton white skin, white hair, grey set of eyes and she's smiling warmly.

"Audrie Zyle Vonzyke." Tumango naman sya at ngumiti bago humarap sa klase.

"Okay, miss Audrie, Welcome to the upper class." Tumango ako ulit, pinaupo nya ko kung saan ko daw gusto. Kaya dun nalang ako umupo sa malapit sa bintana.

Tinignan ko ang kabuuan ng classroom ng upper class. White board ang meron dito, may mga halaman sa bawat corner, yung mga bintana may mga nakasabit na butterflies then infinities na kulay blue, white and violet. Yung mga bintana, parang yung sa mga balcony, yung malalaki. Kahoy yung flooring, pero bagay sya sa atmosphere ng room. Yung mga upuan puro mga high class na kahoy. Pero napansin ko, ang konti lang namin. Nasaan kaya yung iba? 8 students lang yung nandito, including me.

Napatigil kami at napatingin sa pinto ng biglang may pumasok.

"Sorry mam, were late." Sabay nilang sabi. Classmate ko pala sila?

"It's Okay mister Akami and mister Bloodstone." ngumiti sila at tumango

Nilibot nila ang tingin nila, and their both eyes, locked with my spot.

Lecquares AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon