LA- Thirty: The end of Beginning. (Part 1)

28K 844 49
                                    

LA- THIRTY (PART 1) THE END OF BEGGINING

                                  --

                            AUDRIE

"When all we hear are the empty promises and lies."

Kasalukuyan akong naglalakad papunta sa open field, habang papalapit ako mas lalong lumalakas ang dagundong ang tibok ng puso 'ko. Sobra ako'ng kinakabahan.

Nasan na ba sila? Ang mga kaibigan 'ko? Okay lang ba sila? Ang mga professors? Ang iba pa'ng estudyante? Nasan na sila?

Mga tanong na kanina pa umiikot sa utak ko, na hindi masasagot kung mananatili lang ako sa loob ng kwarto na yon. Kaya kahit alam ko na magagalit si Zany, lumabas pa din ako, hindi ko gusto na tintago sakin angmga bagay. Buong pagkatao ko na nga ay kasinungalingan, hindi ko pa masyadong maintindihan kung ano ba talaga ang matino nilang rason para itago sakin ang katauhan ko at hindi manlang nila naisip na hindi ako ganon katanga para hindi malaman ang mga bagay na 'yon.

"That leave behind broken hearts and shattered lives."

Naging mas marahan ang paglalakad ko, gusto kong makita ang bawat detalye ng paaralan na to, at para bang may sarili buhay ang mga mata ko, kusang napaluha ng makita ang mga tao na dati'y masaya at nagtatawanan sa bawat sulok ng lugar, ang itinuring ko na pangalawa kong tahanan, ngayon parang bangungot na naging makatotohanan.

May apoy sa kahit saan, ang kaninang napaka misteryoso at mahiwagang arrangement ng party ay tuluyan nang nabura, ang masasaya at excited na mukha at aura ng mga estudyante kanina ay napalitan ng takot, pangamba at matinding pagtataka, kung bakit nangyari ang ganitong bagay sakanila, lahat sila natatakot sa nangyayari, kahit mga professor na iniidolo ko dahil sa lawak ng kaalaman at karanasan ay ganon din. Pero alam 'ko pinipilit nila ang mag pakatatag, dahil sila ang inaasahan ng karamihan.

Eto ba si Audrie? Ito ba ang gusto mo na kahitnatnan ng academy?

Inilibot 'ko ang tingin 'ko sa academy. Parang may kung anong awa na humaplos sa puso ko, maraming nag iiyakan, marami ng namatay, sira sira ang mga damit nila, pati na rin ang mga structures ng academy na ngayon ay nasusunog.

No. This can't be happening.


Nakita 'ko sa di kalayuan sila Alison at Jake na patuloy na nakikipaglaban. Marami na silang sugat sa iba't iba'ng parte ng katawan, sila kuya Jaren, Mel at Justine naman ganon din, napakarami na nilang sugat, ang melody na laging nang aaway at nangiirap sakin ay napalitan ng galit na at hirap na katauhan nya, she's saying something na hindi ko marinig, kasunod noon ang pag ngisi nila parehas ni Justine. Nasa kaliwang parte naman nila Zany, Ryuu at Xander. Halata sa mukha nila ang pagod dahil sa pakikipag laban. Kanina pa ba 'to? Bakit hindi 'ko alam? Habang ako, ako na dahilan ng kaguluhan walang magawa kung hindi tumanga sa kwartong ligtas ako.

"When trust is gone and hope is lost."

I started to summon my bow and make an arrow, isa isa kong pinatamaan ang mga nakaitim na cloak na patuloy na tumatapos sa mga estudyante, halos hindi ko na alam kung saan ko pinapatama ang mga palaso ko, dahil sa paningin ko na nanlalabo na, basa ng luha ang mga mata ko pati na rin ang pisngi, nanginginig na rin ang mga braso ko, hindi ko alam kung dahil ba sa galit o sa lamig ng hangin, suot ko pa rin ang dress na binigay sakin ni Ali na halos hindi na rin makilala dahil pinunit ko na, para maka kilos ng maayos, gusto ko talagang patayin ang mga walang hiya na to eh!

"You don't have the rights to destroy our home assholes!" Sigaw 'ko at nagsimula na mabilis na mag summon ng arrow, hindi, hindi mangyayari 'to. Hindi pwede. Napatigil ako ng makita ko si Casper na may kausap na babae.

Lecquares AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon