Real: Thirty two

12.3K 274 28
                                    





          XANDER

"Anak ng pitong tupa! Ano ba?!" Nagulat pa ko ng biglang sumigaw si Aliyah habang nakaupo sa tabi ko.

"Ano ba? Ingay mo naman! Ikaw lang tao dito ganon?" Sigaw ko, kaya napatingin sya. Halos mapaatras naman ako, kasi naman, kung nakakapatay lang ang titig, bumagsak na ko dito.

"Fvck off. Manahimik ka." Sabi nya at inirapan ako, tsaka bumalik sa ginagawa nya, at dahil curious ako, tinignan ko kung ano yung ginagawa nya.

"Ano ba kasi yan?" May hawak sya na rectangular shape na gamit, tapos pinipindot nya, tapos may ilaw, may bilog sa gitna, na iba iba ang kulay.

"Hindi mo ba nakikita? Naglalaro ako." Sagot nya habang nakatingin pa din sa gamiy na hawak nya.

Napakunot ang noo ko sa sinabi nya, ano daw? Naglalaro sya? "Anong naglalaro? Hindi naman laruan yan. Tsaka ano ba kasing gamit yan?"

Mabilis na napatingin sya sakin na halos hindi maipinta ang mukha sa gulat. Tapos maya maya, bigla naman tumawa.

Hala? Nababaliw na yata ang babae na to. Ano problema? Bakit sya tumatawa? Hindi naman ako nagpapatawa, nagtatanong kaya ako.

"Seriously Xander? Hindi mo alam kung ano to?" Tanong nya, na halos hindi ko naman maintindihan kasi nga tawa sya ng tawa.

"Hindi. Ano ba yan?"

"That's a cellphone." Napalingon ako ng marinig ko na may magsalita.

"Oh, pareng Ryuu. Dyan ka pala." Bati ko sakanya. Tumango lang naman sya at sumalampak ng upo. "Teka, ano sabi mo kanina? Cellphone to?"

Tumango sya. "Yes, it is an instrument used by the mortals to communicate with their long distance folks or family."

"Ahhhhh! Talaga? Parang mind link satin, ganon?"

"Exactly." Sagot nya kaya ngumiti ako.

"Pero bakit sabi nya naglalaro sya? Kala ko for commumication lang?"

"Electronic gadget kasi to Xandy, ang tawag dito, application. Yun yung nga bagay na inilalagay nila sa loob nito para magamit ng tao." Sagot ni Aliyah.

"Paano nagkakasya dyan?" Taka kong tanong.

"Kumbaga satin na taga dito, Ziel yon, na ginagamit natin depende sa sitwasyon." Paliwanag nya, kaya mas naintindihan ko.

"Ganon ba? Ayos pala yan. Pahiram naman." Tumayo naman sya agad at tumakbo sa pinto.

"Ayoko nga! Baka mamaya sirain mo pa! Babye!" Sigaw nya at tuluyan nang lumabas. Naiwan naman akong nakatunganga sa kinauupuan ko. Tinignan ko lang ang pinto na nilabasan nya. Natawa nalang ako sa inasal nya.

Parang bata talaga. Ang cute.

Teka, anong sinabi ko?! Cute?! Wengya! Nababaliw na yata ako! Jusme!

"I can hear you Xander. Shut your mind." Nanlaki naman ang mata ko at napatingin kay Pareng Ryuu.

N-narinig nya kaya yung sinabi ko kanina?

"That she is cute? Yes."

"Fvck! Tahimik nga! Pare naman! Parang wala tayong pinag samahan sa ginagawa mo na yan!" Natawa naman sya ng mahina kaya mas lalo akong nainis. Nag eenjoy sya kaya sya tumatawa. "Bangag lang ako kaya ko nasabi yon dude."

Lecquares AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon