LA-Eleven

36.1K 1K 73
                                    





           LA-ELEVEN [Where it starts.]

                       ----

Audrie, tapos na, please tama na ang pag rereminisce, ilang oras na ang nakakalipas, kaya umayos ka. Magbihis ka na, ay maligo ka muna pala para naman mabawasan ang pagkakatulad ng ng zombie na napanood mo nung isang araw lang habang mag isa ka, makikita ka ni Jas, baka mag alala sayo, or worst magalit pa sya sayo kasi diba, bakit mo hinayaan na halikan ka ng gwapo pero misteryosong lalaki na yon na laging may dala para sayo na blue rose, o kahit ang papasukin manlang sya at palapitin sayo, tama ba yon? Pinalaki ka ba ng ganyan ng Mom and Dad mo? Pati ang kuya mo na over protective sayo, ano na? Napunta ka lang sa academy na to nagpapahalik ka na? Dati nga kahit lapitan ka lang ng mga boys na kinaiinisan mo, aalis ka na o kaya naman makakatikim sila ng breakfast, lunch o dinner na suntok o sipa? Ano to, lumalandi ka na girl?

Kanina ko pa kinakausap ang sarili ko, baliw na yata ako! Pesteng halik yan!

"Oh, bakit ganyan ang itsura mo? Hindi ka ba nakatulog?" Bungad sakin ni Jas nang makita nya ako, tumabi naman ako sa kama nya, nagpapatuyo na sya ng buhok nya, nauna syang gumising saakin, at aalis na sya, magkita nalang daw kami sa open field mamaya para sa sectioning.

"Hindi naman, napuyat lang siguro, kakabasa, alam mo naman na hindi ako agad nakakatulog." Palusot ko para hindi na sya magtanong pa.

Tinignan nya ko, napabuntong hininga nalang ako, buti naman at hindi na sya nagtanong pa ng dahilan kung bakit, inipit nalang nya ang buhok nya dahil mukhang tuyo naman na.

"O sya, aalis na ko, kita tayo later, ha? Bilisan mo, alam ko naman an ayaw mo na late ka, kaya wag kang tulala dyan, kanina pa kita napapansin, akala mo ba." Sabi nya at hinila ang bag nya tsaka diretsong lumabas ng pinto, kaya naiwan na akong mag isa dito.

Sa totoo lang, hindi talaga ako nakatulog kahit isang segundo, paano ba naman kasi ako makakatulog, kung tuwing pipikit ako, mukha ng hudyo na yon ang nakikita ko, hindi ko pa rin makalimutan yung, iyon, basta yon. Kainis sya! Nagustuhan mo naman diba?

Ay jusme, tama na please, kiss lang naman yon, maliit na bagay, hindi dapat ganito. First kiss ko kasi yon. Enebe, umiling ako at tumayo tsaka agad na naghilamos sa sink, ayoko muna alalahanin yon. Pero sa totoo lang, hindi ko alam kung bakit nya ginawa ang ginawa nya kagabi, nang natapos nya akong halikan, pagdilat ko, wala na sya sa harapan ko, naiwan na lang ang blue rose at singsing na inabot nya sakin, wala sa loob na napatingin ako sa kamay ko, bumagay sya dito dahil na rin sa kutis labanos ako, tinignan ko ang side table ko na kinapapatungan ng vase ko na puno ng blue roses, seventeen roses na ang nakalagay don, nilalagyan ko lagi ng warm water para hindi mataggal ang mga petals non at hindi malanta. Sobrang ganda nya tignan, i really wonder kung saan nya pinipitas yan, buti hindi sya napapagalitan ng may ari non?

Napabalik ako sa realidad ng biglang may kumatok ng mahina sa pinto, kinuha ko ang face towel na nakasabit sa gilid ng banyo at agad na inabot ang seradura ng pinto para pag buksan ang nasa pinto.

Bumungad sakin ang isang naka uniform na lalaki, mukha syang may mataas na ranggo base sa patch na naka dikit sa right chest nya, naka salamin sya na satingin ko may kataasan ang grado, katulad ni Justine, naka clean cut din ang buhok nya na kasing itim ng kulay ng sapatos nya, sa kaliwang kamay nya may hawak syang medyo may kalakihan na box.

"Good morning Lady Vonzyke, I'm Anthony, one of your professor, this unform and bracelet was from the admins, please wear this today and these day coming forward, para alam nila kung saan ang section na napuntahan mo." Ngumiti ako sakanya at nag bow, ganon din naman ang ginawa nya, sabi na nga ba at may mataas syang ranggo dito sa academy, base pa lang sa aura ko sakanya.

Lecquares AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon