Real: Fifteen

25.7K 727 44
                                    







           Z A M I R A


I gave him a confused look atska Umupo ako sa katabing sofa. "I need your explanation. Now."



He nod and smile. "I'm expecting this anyway. Pero hindi ko inakala na ganito kaaga, you figured it out. I should thank those reapers who attacked you." Nanlaki ang mata ko sa sinabi nya.




"You knew it?!" Sigaw ko.




He nod and smile tska tumayo. Napatingin ako sa pinto ng marinig ko ang sunod sunod na yabag, pero napakunot ang noo ko ng wala ako'ng makita na tao.



Am i hearing things?




"Your senses are now good Zamira. Mukhang malapit na ang araw na sinabi ng propesiya." Tumingin ako sakanya.




Ano raw?



Did he say prophecy?



Quota na sakin yang word na yan ah. May ano ba kasi sa bagay na 'yon?



"Anong prophecy ba 'yon?" Tanong ko.




Umiling lang sya at ngumiti. "Nandito na pala sila. Tara na at simulan ang pag uusap." Sabi nya habang nakatingin sa pinto. Sakto naman na dumating sila Melody, Justine, Casper and wait---t-teka! bakit sya nandito? Naka pambahay pa silang lahat.




"Sinundo pa namin si Pr-Senri sa labas eh, may barrier ka kasing nilagay, hindi mo tinanggal." Sabi ni Justine tska umupo sa katabi ko'ng sofa. Ganon din ang ginawa nung dalawa. Kaya tabi tabi sila. Si Senri naman prenteng umupo sa sofa na katapat ko.




'Naman. Di ba nya alam na naiilang ako sakanya? Tss. Kainis naman. Manhid ang putek.' I murmured.



Napakunot ang noo ko, ng makita ko ang sandali'ng pag ngiti nya, teka. Bakit sya ngumiti? Bakit ang gwapo nya don? Ay! Zamira ano ba! Stop it, will you? Chaka ng isip mo ah.




"You should start. Time's not our friend." Flat na sabi ni Senri pero sakin pa rin nakatingin, ako na ang unang nagbawi ng tingin at tumingin nalang kay tanda.




"They want your necklace Zamira. I know you're not aware, but your foes are after that thing, napaka halaga at makapangyarihan ang kwintas na 'yan." Panimula nya, teka nga. Tinignan ko yung necklace. Bukod sa gawa sya sa mga birth stones, at may dungis na sya, nothings special with this.



"Ang kalahati nyan at nasa kalaban na." Napatingin ako sakanya ng marinig 'ko ang sinabi nya.



"What? Paano napunta sakanya 'yon? Sinong tanga ang nag bigay?" Gulat na tanong ko.



Natahimik sila at tinignan ako.



"Wag na muna nating pag usapan 'yan. Anyway, they're after your necklace, because it has the power to restore lives."



"Teka. It has this power? To give life?! What?!" Gulat na tanong ni Melody.



Tumango si tanda. "Yes. Marami kang pwedeng gawin kapag napagsama at nabuo mo ang kwintas na yan, hindi sya pipili, mabuti man o masama ay magagamit ito."



"Teka, bakit? Ang sabi sa libro, tanging hinirang na may mabuting kalooban lang ang makakagamit nyan." Sabi ni Justine.



"Tama 'yon. Pero sinabi din na sa oras na mahawakan ito ng tao na may masamang hangarin, mahahati ito sa dalawa, ang kalahati ay mabuti at ang kalahati ay masama. Sa kasamaang palad, nahati ito. Napunta ang kalahati kay Zamira, ay ang kalahati naman ay na 'kay Acquerza." Sabi ni tanda.


Lecquares AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon