Under her scars lies the mystery of her identity.
SCARLET LOREN
Parang kalahati ng buhay ko ay hindi pa nagigising sa reyalidad.
Hindi ko alam kung kailangan ko 'tong maramdaman kung kailan nagbibisikleta ako at nasa gitna ng madilim na kalsada. Papauwi pa lang ako matapos akong matanggal sa trabaho kong nagpahirap sa akin ng dalawang taon. Siguro ayaw tanggapin ng isip ko na wala na akong trabaho kaya nag-iisip ng kung ano-ano.
Pero hindi ko rin matatangging lagi kong naramdaman 'to— na parang may kulang na hindi ko maintindihan.
Nanlaki ang mga mata ko nang biglang may bumungad sa aking nakakasilaw na liwanag hanggang sa masundan ito ng malakas na pagbusina ng isang kotse. Sht, mababangga pa ako. Pinilit ko na makaiwas at mukhang nakita rin naman ako ng nagmamaneho kaya agad itong huminto.
Ngunit hindi ako nakaiwas sa disgrasya dahil sumagi ang kaliwang bahagi ng aking katawan sa harap ng kotse. Hindi ko mapigilan ang sarili ko dahil sa lakas ng puwersa. Ramdam ko pa ang pagka-ipit ng binti ko at ang biglaang pagkamanhid nito.
Hindi katulad kanina na marami akong iniisip. Ngayon ay tila ba'y mas naging alerto ako. Nararamdaman, nakikita, at naririnig ko ang nangyayari sa paligid ko.
Sa isang mabilis na segundo ay nakita ko ang gimbal sa mukha ng babaeng nagmamaneho, narinig ko ang pagtigil ng mga gulong, at naramdaman ko ang lahat ng puwersa na dumudurog sa katawan ko.
Then my shoulder fell into the concrete first.
Saglit kong narinig ang pagbagsak ko sa kalsada hanggang sa hindi ko naramdaman ang katawan ko. Pinipilit ko na nakadilat lang mga mata ko at kahit na gusto ko nang matulog, nakita ko kung paano umalis ang kotse at iniwan lang ako.
Mamamatay na lang ako kailangan pang iwanan. Lintik na buhay 'to, nakakaiyak.
Pinilit ko na igalaw ang katawan ko pero parang masusuka lang ako. Gusto kong humingi ng tulong pero hindi ko magawa. And I don't even know why my internal-self debated if I'm going to shout 'Help' or 'Tulong'.
Mamamatay na lang ako, natakot pa akong humingi ng tulong. Sht. Pride, wag muna ngayon. Kailangan ko pang mabuhay.Hindi ko alam kung makakahinga ako ng maluwag nang makakita ako ng tao na agad na papunta sa direksyon ko.
"Oh my god." rinig kong sabi ng isang pamilyar na babae.
Isang pagdaing lang ang naisagot ko.
Sobrang sakit.
May tinatawagan siya sa cellphone niya at hindi ko na inabala pang isipin kung anong sinasabi nito sa kabilang linya. Malamang naman ay humihingi siya ng tulong.
Humiga na lang ako sa kalsada at huminga ng malalim pero sa bawat paghinga ko mas lumalabo lang ang aking paningin.
Mamamatay na ba ako?
Ramdam ko ang panginginig ng buong katawan ko, tinignan ko ulit yung babae pero napasinghap ako nang hawak na nito ang kaliwa kong binti.
BINABASA MO ANG
[3] Under Her Scars
Khoa học viễn tưởngScarlet Loren had a terrible accident but still ends up living the next day. Despite of the mysteries, she chose to live normally and didn't bother to dive deeper into it. All that she could think of is; she's alive. She's satisfied on working in Wh...