15

37 11 9
                                    

Kinabukasan, nagulat si Saki nang ihatid ako ni Arius sa shop. Madali namang umalis si Arius dahil may pupuntahan pa raw siya. Ang tingin ni Saki ay parang curious na curious siya pero pinipigilan ko na hindi matawa dahil hindi naman siya nagtatanong.

Nalaman ko rin na nakuha na pala ni Hosuh at Sunny ang tattoo certificate nila. They were already a certified tattoo artist in WIT, kaya kapag may costumer pwede na rin silang mag-tattoo. Kailangan na raw kasing tumutok ni Tita Ashlie sa pagpaparenovate nila ng bahay nila kaya binigay niya na agad kay Hosuh ang shop.

I congratulate them and was planning to buy a gift, pero sinabi ni Saki na hintayin ko raw siya dahil gusto niya ring bumili ng mga regalo.

Dahil wala dito si Tita Ashlie, sa akin niya na talaga pinasa si Saki kaya naman nagtuturo na lang ako sa kaniya at nag-aayos ng appointment para kila Sunny at Hosuh na sinisimulan na ang tattoo career nila.

"Saki, ask me." Napailing nanaman siya sa akin. "Ask me if I know what it really means to be in a relationship."

"You're getting dramatic everyday," ngisi lang ang sinagot niya sa akin.

"I'm just confused, we're in a relationship, right?" diretsyong tanong ko na ikinagulat niya. "I mean, friendship. Hindi naman lahat ng relationship ay tungkol sa love-love na 'yan."

"I know, pero bakit mo pa ba tinatanong 'yan?"

"Kasi ikaw lang ang nakakausap ko sa mga ganito?" Hindi siguradong sabi ko.

"Just call Arius," kibit-balikat niya. "He'll know the answer for sure."

"May ginagawa 'yon," bumuntong hininga siya at tumingin sa akin.

"Okay, Scarlet." He started, "What does it mean—"

"Wait, paano kung hindi ko alam ang sagot?"

"Ewan ko sa'yo." Tumawa na ako ng malakas dahil naiinis ko na siya. Hindi ko naman talaga balak magtanong, gusto ko lang ng makakausap. Lagi na kasi 'tong nagiging abala nitong mga nakaraang araw. Ni hindi niya na nga ako hinihintay na mag-lunch.

The following days were peaceful. Walang dumating na sobre, wala akong bantang natanggap, at wala na lang biglang aatake sa akin gamit ang syringe.

Pero si Arius, hindi na talaga umuwi sa kanila. Nahuli ko pa siyang binabayaran ang mga bills sa bahay pero sabi niya bayad na lang din niya raw sa akin 'yon. Halos siya na nga rin ang bumibili ng mga stocks at naghahatid sundo sa akin sa WIT.

Hindi ko talaga alam kung kaibigan ko lang talaga siya pero ayoko namang mag-isip o magtanong pa patungkol doon. Aalis siya kung gusto niya, hindi ko siya pipigilan. I'm just worried that I'll grow dependent to him.

Sabay rin kaming nagluluto at kung ano-anong nilalagay na ingredients sa recipe namin. We liked to explore little things and laugh whatever the outcome is.

Hindi ko na rin siya narinig na magbanggit si Sirius, wala nga atang planong umuwi ang isang 'to.

At hindi niya rin nakakalimutan na pahirapan ako sa training na sinasabi niya. Feel ko nga nagkakaroon na ako ng muscles sa legs at abs.

"Why are you staring at me?" Napakunot agad ang noo ko nang sabihin niya 'yon.

"Hoy, hindi ako nakatitig." I denied, naghihiwa kasi siya ng carrots at tapos na akong mag-laga ng baboy.

"Habang tumatagal, nagiging weird na 'yang tingin mo, a."

"Wow," I exxagerated, "Iniisip ko lang naman kung kailan ka aalis sa bahay ko."

"Bakit, paalisin mo 'ko?"

Iniwas ko ang aking tingin. I mean, okay lang naman na umalis siya pero iniisip ko pa lang, parang ako na ang kawawa.

[3] Under Her ScarsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon