"Hoy, babae! Gising na!"
Napabangon ako nang makarinig ako ng malakas na katok sa kwarto ko. Nanaginip pa ako kanina, e. Bakit naman may kakatok sa kwarto ko nang sobrang aga?
Ah, oo nga pala. Nasa guess room lang si Arius.
"Bakit ba?!" inis na sigaw ko habang nakatingin sa pinto, buti na lang nalock ko kagabi 'yon.
"Tumatawag si Saki!" sigaw niya rin pabalik.
Anong oras na ba? Hindi naman tumatawag sa akin si Saki ng sobrang aga.
"Don't answer it!" humiga na ulit ako at magtatago na sana sa kumot nang may marinig nanaman ako sa kaniya.
"Hoy, put*. Nasagot ko." kahit na hindi siya sumigaw naririnig ko pa rin ang boses niya.
Kinalma ko ang sarili ko kahit malapit na talaga akong mapuno sa lalaking 'to. Mararahas ang aking paggalaw nang bumaba ako sa kama at pagbuksan siya ng pinto.
"Akin na," I lended my hand but to my surprise, he wasn't holding anything in his hand, not even my phone.
"Good morning," Nagulat na lang ako nang bigla niya akong hatakin palabas ng kwarto ko. Ramdam ko na nastretch 'yung mga buto ko kaya naman nagising ang diwa ko. At ang loko, kinaladkad pa ako palabas ng bahay.
Tsaka ko lang nahatak ang kamay ko nang tuluyan na kaming makalabas. Pinilit ko na kumalma dahil ayokong masira agad ang araw ko. "Ano nanaman?!"
Mas lalo ko lang siyang minura nang makita ko na wala pang araw sa paligid. Babalik na sana ako nang pigilan nito ang mga balikat ko.
"Magsisimula na tayong mag-training," nakangiting sabi niya kaya napapikit ulit ako.
"Anong training? Sinong um-agree?"
"You said that it was fine."
"I said that you can stay here, I didn't agree on any training that—"
"Scarlet, ang baho ng hininga mo."
That's it, sinasagad talaga ako ng lalaking 'to. I was aware that he was holding my shoulder so I was about to kick his groin when he suddenly shifted his stance and before I could even hit him, I felt his hips pushing me to the point that I was losing balance. I tried to control it but his hands on my shoulder is pinning me down.
It happened so fast until I saw myself on the ground while he was laughing over me. Hindi effective 'yung nakita kong stunts sa napanood ko.
"Kaya mo naman pala, kailangan ka lang inisin." Tumatawa pa rin siya na para bang may nakakatawa sa nangyayari ngayon. Walang nakakatawa, wala.
I growled at him in annoyance.
"UMUWI ka na sa inyo!" sigaw ko matapos niya akong pahirapan ng ilang oras. Hindi niya ako pinaayos ng kahit sandali at diretsyo akong pinilit na magjogging sa gubat hanggang sa mag-exercise na kami. Wala sana akong balak na tumakbo pero iniinis niya ako, sinasabing napakahina ko raw.
Sinusumpa ko na siya pero sa tuwing tinatangka kong makatakas ay hinuhuli niya lang ako. Sinusubukan ko 'yung mga napanaood kong movements pero wala talagang epekto sa kaniya, ang bilis niya kumilos.
"Umuwi ka na!" I repeated under my breathe, "It's not fine anymore, I'm not fine!"
Kumikirot na ang buong katawan ko, wala pa akong kain at tanging tubig at maliit na tuwalya lang ang binigay niya sa akin.
"Ang drama, ha." he commented kaya kinurot ko siya, mukhang hindi niya inaasahan 'yon kaya napadaing talaga siya.
"You're fine. Ilang araw lang masasanay na 'yang katawan mo."
BINABASA MO ANG
[3] Under Her Scars
Science FictionScarlet Loren had a terrible accident but still ends up living the next day. Despite of the mysteries, she chose to live normally and didn't bother to dive deeper into it. All that she could think of is; she's alive. She's satisfied on working in Wh...