03

68 20 24
                                    

"Scarlet," Arius suddenly called.

Hindi ko siya pinansin at nakapokus lang sa ginagawa ko. Ilang minuto ang nakakalipas at outline pa lang ang nagagawa ko. Mukhang kalmado naman siya at hindi naiilang, habang ako ay halos nakasubsob na malapit sa dibdib niya dahil kailangan kong mag-focus.

"When did you start tattooing?" tanong niya.

"2 years ago."

"Shaaare," mahabang sabi nito. Mahina kong pinitik ang balikat niya dahil muntik na akong magkamali. Ang likot niya kahit nagsasalita lang siya syempre nahihilo ako.

"Wala akong i-se-share sayo. It's none of your bussiness," bulong ko dahil hindi naman kailangan lakasan ang boses ko dahil ang lapit ko na sa kaniya.

"Ang boring."

"Get your phone and stop talking," I ordered but he insisted and even shook his head.

Pinipilit ko ang sarili ko na hindi tumingin sa kaniya dahil madidistract lang ako. Kasi—oo na, gwapo siya. Pero mas mahalaga 'tong ginagawa ko  kaysa ang pagkadistract ko.

"What happened to your hand?" he asked when he saw the gauze on my right hand.

"What happened to this scar?" I asked, dodging his question.

"Gusto mo talagang magkwento ako?"

"Hindi," walang pake kong saad. "Tumahimik ka nga, nagugulo ako."

"Last question na lang, kahit na hindi mo ako sasagutin." he said and raise his hand. I stopped and gave him my unimpressed expression.

"Do you also have a tattoo?" I pursed my lips and was about to go back again when he gave me a pleading look. Ang cute. Pero duh.

"I promise, hindi na ko magsasalita kapag sumagot ka."

Huminga ako ng malalim, "Wala."

Bumalik na ako sa ginagawa ko.

"Why?"

"Ang sabi mo 'di ka na magsasalita?"

He frown, "Just entertain me."

Umiling ako at pinunasan ng tissue ang balikat niya. Hindi na nga siya nagsalita pagkatapos pero ramdam ko na kung saan-saan na napapadpad ang tingin niya sa cubicle. Minsan nahuhuli ko siyang nakatingin sa pula kong buhok. Tinupas nga niya ang sinabi niya at hindi na nagsalita kahit ramdam ko na may gusto itong tanungin.

At higit sa lahat, hindi siya dumadaing. Kahit na medyo malapit na ako sa collarbone niya, wala pa rin akong nakuhang reaksyon ng sakit sa kaniya. Taas pala ng pain tolerance nito.

Sobrang tahimik kung kaya naman bumabalik lang sa alaala ko yung aksidente, hindi rin palang mabuti na tumahimik siya dahil dumadami lang ang pag-iisip ko.

In the end, I gave in my curiosity.

"Last month," I started, I know he's listening. "I got fired from my old master, alam mo 'yun, dati kong trabaho."

He subtly nodded.

"So as I was going back home, I had an accident. I survived and someone witness what really happened. And it happens that you look so much like that person," sabi ko habang naghihintay ng sasabihin niya. It's not like I was expecting him to say anything.

If he answers, then good. If not, okay.

But dang, I need his answers because I knew that there's something wrong.

"Baka 'yung kakambal ko." Alam ko ngang may kakambal siya, pero bakit hindi siya sigurado?

"Alam mo bang siya ang dahilan kung bakit may sugat ako, sinalo ko lang naman ang bala. Ang bait ko talagang kapatid, no? Pero you know what?"

[3] Under Her ScarsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon