32

33 7 7
                                    


MALAKAS na pagtawa ang namayani sa buong kwarto. Kahit gulat ay napatingin kaming lahat kay Haymitch. Namamanhid pa rin ang katawan ko sa aking narinig at hindi makapag-isip ng maayos.

Tumayo si Maeve at kaswal na tumingin sa relo nito.

"We're forgetting something, aren't we?" I knitted my eyebrow when Maeve sounded like she wasn't in herself. There's no formality in her voice.

"Yes," sang-ayon ni Haymitch, "Call Fourteen."

Hindi na ako nagulat nang tumingin sa akin si Haymitch kung kaya naman kusa na akong tumayo. Pinilit kong pigilan ang mga emosyon. I don't need to welcome these unwanted feelings.

Humihinga lang ako ng malalim para pigilan ang sarili ko sa mga emosyon na bigla na lang nagpaparamdam. Kahit na nagpapaulit-ulit sa isip ko 'yung sinabi ni Arius, hindi ko pa rin maintindihan.

He had a relationship with Rouisa?

Alam ko na kung anong gagawin ko, tatawagan ko si Fourteen. Ang babaeng kayang paaminin ang kahit sino sa isang iglap lang. I remember that they also did that to me when they recruited me.

Instincts were starting to drive me.

Nagawa ko namang makapunta sa lobby dahil alam kong doon laging tumatambay si Fourteen at Sixteen. Hindi nga ako nagkamali at kumakain sila doon. Napatigil pa ako nang makita kong kumakain rin sila ng burger sa may bench.

Naalala ko 'yung pumunta kami ni Arius sa EK.

O di kaya sila Hosuh at Sunny na sabay ring kumakain.

"Fourteen," I croaked before I even welcome myself to pain. Agad namang napatayo 'yung babae nang makita ako. Tumayo rin 'yung katabi niya.

"We need you," Tumango naman sa akin si Fourteen at nagpaalam kay Sixteen. Itinabi niya pa 'yung burger atsaka sumunod sa akin.

Sa bawat paglakad ko pabalik, ang dami ko na agad na naiisip kung anong maari kong marinig mamaya.

Ayokong umiyak, walang magpapatahan sa akin.

Huminga muna ako ng malalim bago ko pinauna na papasukin si Fourteen sa loob. Pumasok na rin ako at mukhang wala namang nagbago sa kinauupuan nila kanina. Tahimik pa rin.

"Fourteen is here," I declared.

Hindi na ko nagulat nang makitang wala nang mga malay ang apat na recruits. Saglit ko silang tinitigan habang inaalala ang katotohanan.

Bakit kasi. . .

"This one," Haymitch pointed at Saki, "Could make someone confess."

"We could make a confession twice to prove their loyalty." Sabay kaming tumango ni Haymitch sa sinabi ni Maeve.

Nagulat pa ako nang sabay silang tumingin sa akin. "Could you stay here?"

Hindi ako sumagot hanggang sa naramdaman ko ang paghawak ni Maeve sa balikat ko at mas lalo lang nagmanhid ang aking katawan.

"Go out now and cry with Jane."

Kahit masama ang loob ko ay umirap ako sa kanilang dalawa. Mabuti na lang kinuha nila ang atensyon kanina kung kaya naman hindi ako nakaramdam ng pagkailang. Baka magmukha akong tuod at tanga sa harap nilang apat. Ayokong mangyari 'yon.

Kahit papaano ay naramdaman ko naman ang suporta nila Maeve at Haymitch. I tried to smile before going out of that room.

PAGKAMANHID lang ang nararamdaman ko ngayon. Walang luha o kahit na ano. Ang alam ko lang ay posible nga palang mangyari 'yon.

[3] Under Her ScarsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon