The next day, Arius' cellphone kept on vibrating but he didn't even bother to pick it up. Ayoko na rin naman kasing tignan dahil baka masyadong private ang makita ko roon.He didn't changed, he's not entertaining whoever's calling him. He's just here, looking bored as he teased me. But I know that he can feel my discomfort and uneasiness.
"Ano 'to, fiesta?" gulat na sabi ko nang makita kong puno ng iba't ibang pagkain ang mesa. Good for two lang ang mga pagkain at sinigurado niya rin na lahat ay matitikman at mauubos namin.
Nakaapron pa siya nang lumingon siya sa akin.
"Happy birthday!" masayang sabi niya pero ang mas kinagulat ko ay ang pagturo niya ng bundok na kaldero at platong hugasin sa lababo, meron pang kandila sa taas.
"Hoy, ayokong maghugas!" sigaw ko sa kaniya at kinuha ang kandila sa tuktok. Tumingkayad pa ako para gawin 'yon, hindi ko akalain na marami palang tools at kaldero sa kusinang 'to. Grabe, ginamit ata ni Arius lahat.
Siya na ang kumuha ng kandila para hindi na ako mahirapan, kukunin ko na sana sa kamay niya 'yon nang ilagay niya sa tuktok ng ulo niya.
"Since you don't like cakes, ako na lang cake mo, yie." tinusok niya pa ako gamit ang daliri niya at nag-squat sa harap ko.
"How did you know that I don't like cakes?"
Hindi ko maiwasang ngumisi nang makita ko ang lawak ng ngiti niya. Sinigurado niya pa na ang pagkakasquat niya ay tama para mahipan ko ang kandila sa ulo niya.
Ilang segundo ko siyang tinignan doon bago nawala ang ngiti niya at tinignan ako, "Nakakangawit kaya."
"Wala man lang birthday song diyan?" tukso ko pa kaya nagsimula na siyang kumanta.
"Maligayang kaarawan sa iyong pagsilang!"
Kinuha ko ang cellphone ko at vinideohan siya, at ang loko tumalon-talon pa at nagpasikat sa camera. Natawa tuloy ako nang mamatay na ang apoy ng kandila sa hawak niya.
"Happy 24th birthday, Scaaaaaarlet!" mahabang sabi niya at binigay sa akin ang kandilang wala nang apoy. "Wish ka na,"
Kinuha ko sa kaniya ang kandila at umiling na lang. I'm gonna save that wish later.
Ngumiti na lang ako at umupo dahil mukhang ang sarap ng niluto niya. Grabe rin pala mageffort ang isang 'to. Alam ko lang na marunong siyang magluto pero c-in-areer niya talaga ngayong araw.
Nakangiti lang tuloy ako habang kumukuha ng pagkain.
"Yie, nakangiti." tukso niya habang kumukuha ng plato. Nawala tuloy ang ngiti ko nang ilahad nanaman niya sa akin ang bundok ng hugasin, sumayaw-sayaw pa siya roon.
"Salamat, ha." sarkastiko kong sabi at nagpatuloy na sa pagkain. Umupo na rin siya at sumabay na rin.
"How did you know that I am already 24?"
"I know a way." Then he winked at me.
Bigla namang nawala ang ngiti ko nang maalala ko ang sinabi ni Evony sa akin. Hanggang ngayon, iniisip ko pa rin ang lahat ng sinabi niya.
Paano kung hindi talaga ako 24 years old? Paano kung lagpas pa roon ang edad ko? Pati edad ko, nagkakaroon na ng pagdududa. Bakit kasi sinabi niyang hindi ako four years old noong mga oras na 'yon?
Maraming posibilidad ang mangyari. Nabuhay nga ako pagkatapos kong mabunggo, paniguradong hindi rin imposible ang pagkawala ng memorya ko.
"Huy," tawag niya, "May naisip ka nanaman."

BINABASA MO ANG
[3] Under Her Scars
Science FictionScarlet Loren had a terrible accident but still ends up living the next day. Despite of the mysteries, she chose to live normally and didn't bother to dive deeper into it. All that she could think of is; she's alive. She's satisfied on working in Wh...