08

46 15 8
                                    

I stayed inside the car, not knowing what to do. Binalik ko ang pagkakaupo niya nang mahimasmasan ako. Ilang minuto na ang lumipas at gulat na gulat pa rin ako sa pangyayari. Muli kong tinignan ang sugat niya, may dugo pa rin doon.  Pati ang kamay ko.

What did just happened?

I even checked his breathing, but it feels steady. Habang kinakalma ko ang aking sarili, kinuha ko ang cellphone ko at may tatawagan na sana nang makita kong gumalaw siya.

Agad ko siyang hinawakan nang magtangka siyang umayos ng upo. "Arius," I called and that's when he saw me. His eyes still looked tired.

He breathe in before speaking in a hoarse voice, "Don't call the ambulance. I'm fine."

"Anong fine?! Nagdudugo—"

"Wala na."

"Huh?"

Pumikit muna siya ng mariin bago umayos ng upo, hindi ko na siya pinigilan. Inalalayan ko pa siya nang may abutin siya sa likod. He grabbed a handful of tissue and wipe it in his bloody wound.

Kahit na nakaupo ako ay naramdaman ko ang sarili ko na umatras habang hinahanap 'yung sugat na nakita ko kanina. Wala na 'yung sugat. It healed perfectly in just a few seconds.

Parang katulad ng nangyayari sa sugat ko.

Umiling ako sa kaniya habang pilit na kinakalma ang mabilis na pagtibok ng puso ko.

"Mali," I whispered, "This is not normal."

"There's nothing wrong, your mind was just concluding a mistake."

***

Kahit na ayaw ko, inaya ko pa rin si Arius na pumasok ng bahay. Nanghihina pa rin siya pero mukhang kaya niya naman. Hindi pa rin ako makapaniwala sa nangyari kanina.

I survive a worst accident without any scratch the second day, I tried to give myself a tattoo and it just fade away. And what happened right now was new to me. Could I actually heal someone using this blood?

"I already ordered food." sabi ko matapos kong ibaba ang tawag. Umupo rin ako sa tabi niya, "It will arrive in 30 min."

Sobrang tahimik naming dalawa, mukha kasing nagpapahinga pa si Arius habang nakasandal pa ang buong katawan sa sofa. At ako naman ay nakatabi sa kaniya at hindi makatingin. Dapat bang may sabihin ako?

"I could just go home—"

"Stay," I don't want him drive in a state like that.

"Okay na ako," huminga siya ng malalim, "Pagod lang ako."

"Halos maghingalo ka na nga kanina. Hindi ka pa rin okay ngayon." pati ako nakatulala pa rin at hindi alam ang gagawin. Ramdam ko na nakatingin siya pero hindi ko siya pinansin.

Kung may sasabihin siya, sana sabihin niya na lang.

Tumayo ulit ako para magpalit ng damit at maligo nang hindi ako nagpapaalam sa kaniya.

Hindi ko pa pinaniniwalaan 'yung nangyaring aksidente sa akin dahil biglaan ang lahat. Tapos mangyayari 'to. Sa totoo lang, hindi ko alam kung matutuwa ba ako o hindi.

Alam talaga ni Arius kung ano ang kaya kong gawin. Hinawakan niya ang kamay ko at tinapat sa sugat niya, like I already did that before.  Habang ako ay naguguluhan pa rin sa nangyayari.

Mamamatay na ata ako sa kuryosidad.

Nawalan ako ng gana kumain nang sumuka ako dahil sa aking naaalala.

Nang matapos ay marami pa rin akong iniisip. Ang daming dahilan ang pumapasok sa isip ko na hindi naman nakakatulong sa sitwasyon ko ngayon. Nawala ata ang lahat ng lakas ko dahil sa pagsuka.

[3] Under Her ScarsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon