01

138 20 44
                                    

Nagising na lang ako sa hindi malamang dahilan. Kisame na agad ng aking kwarto ang bumungad sa akin nang magising ako.

Agad akong napabangon habang tumitingin-tingin sa aking paligid. Umaga na at nasa kwarto na ako.

Anong nangyari kagabi?

Kinapa ko ang aking binti at wala na ngang sakit doon, pati sa balikat ko, hanggang sa ulo ko. Pero nang tanggalin ko ang kumot, doon ko lang napansin na hindi ako nakapajama. May mantsa pa rin ng dugo at dumi ang damit ko.

Hindi panaginip. . .

When I was heading back home, I was hit by an accident, hit and run pa nga, e. Tapos may babaeng lumapit sa akin at binalik 'yong mga bali kong buto. Nakakamanhid. Hanggang sa may marinig akong mga boses.

Naguguluhan pa rin ako at hindi ko alam kung panaginip lang ang nangyari kagabi. Kung panaginip lang 'yon, bakit may mantsa ng dugo ang binti ko? Bakit hindi ako nakapajama? Bakit nanghihina ako ngayon?

Kung totoo naman 'yung nangyari kagabi, bakit okay pa rin ako ngayon? Bakit wala akong sugat?

Ugh, this is impossible.

Kikilos pa sana ako pero ramdam ko ang panghihina ng gutom, hindi naman ako ganito dati noong nakakalimutan kong kumain. But this one is the worst.

Dahan-dahan akong bumalik sa pagkakahiga at muling tinignan ang kwarto ko, paano ako nakabalik dito?

Bigla kong naalala 'yung kambal na nag-uusap. No, there's no way they knew me. Hindi ko naman sila kilala.

Sa pagtingin ko sa aking paligid, napako ang aking paningin sa tray ng pagkain na nakapatong sa tabi ng kama ko.

Dalawang pack ng sandwich, isang pack ng kape at isang baso ng mainit na tubig. Sinong naglagay ng mga 'to rito?

"Nababaliw na ako."

***

Bigla na lang dumating ang kaibigan kong si Lindsay kaya napilitan akong kumilos. Kahit na gusto kong sabihin sa kaniya 'yung nangyari, hindi ko magawa. It felt wrong, baka hindi niya ako paniwalaan. Ang gulo, ni hindi ko nga alam kung anong sasabihin at mga hindi dapat. Kasi pati sa sarili ko, hindi ko pinaniniwalaan ang nangyari. Parang panaginip lang.

Hindi ko na maintindihan kung anong kinukwento niya dahil sa pagkalutang.

Inaantok pa ata ako.

"Why don't you go back to college?" she suggested again.

"It's not as if going back to college could guarantee my opportunities in getting a job, no?" Matagal na kasi kong huminto sa pag-aaral.

I know that it's a must to be a degree holder, and I've tried but I really can't see myself studying something that wasn't related to my career. If being practical was the best solution, I think people needed to change their mindset and accept that not all of the lessons in school is applicable to real life.

I wanted to be a tattoo artist, at hindi ako tunay na matuto kung magsosolve lang ako gamit ang mga formulas na madali ko rin namang nakakalimutan.

Duh.

"Naawa lang talaga ako sa'yo. 'Yung buhay mo wala nang patutunguhan."

I rolled my eyes and pushed her out of my house.

Ayoko nang pilitin niya ako, hindi na rin kasi magbabago ang isip ko. May maganda na akong trabaho, masaya ako roon.

Hindi lang talaga mainintindihan ng isang 'to kasi hindi raw practical.

[3] Under Her ScarsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon