"Joke 'yon?" I asked, unamused.
Pero pagtawa lang ang sinagot niya sa akin.
Nang makabalik kami ay agad akong dumiretsyo sa C.R. para maligo. Nang matapos ako ay sobrang tahimik sa paligid, tumingin ako at hinanap si Arius. Pero nakalabas na ako at hindi ko pa rin siya nahanap.
Grabe, umalis nang hindi nagpapaalam.
Bumalik na lang ako sa loob at natulog sa sofa.
"Scarlet,"
Huh, sino 'yon?
"I saw something in my dream." pamilyar ang boses ng babae pero tanging boses lang ang alam ko sa pagkakataong 'to.
"You have a lot of bites in your arms and legs. Your mouth were full of blood. Please, find me."
Nagising ako sa hindi malamang dahilan. Dahan-dahan akong bumangon at napagpasyahang kumuha ng tubig nang matigilan ako. Naramdaman ko na parang may napanaginipan ako.
Hindi ko matandaan. May boses ng babae, nakalimutan ko na ang sinabi niya. Umiling na lang ako dahil baka hindi naman importante. Why the hell would I dwell myself in thinking about surreal things?
Lumipas ang tatlong araw at paulit-ulit lang ang ganap sa maghapon ko. Madalas na rin ang pag-alis ni Arius at nagiging busy na rin ako sa WIT.
Pero ngayong araw hindi ko inaasahan na sarado ang WIT. Tinawagan ko si Saki pero ang sabi niya lang ay hindi raw siya makakapasok ngayon dahil uuwi siya ng probinsiya nila. Kaya naman tinawagan ko si Hosuh, pero unreachable naman ang contact niya.
"Hindi ko matawagan si Hosuh," Banggit ko kay Arius dahil nandito pa rin kami sa kotse niya.
"Try Sunny."
Nang tawagan ko si Sunny, napahinga ako nang maluwag nang sagutin niya at masaya pa rin ang tono ng boses niya.
"We're fine. May hangouts lang sila Mommy Ashlie at Hosuh, nagparty kami kagabi." atsaka ko narinig ang paghagikgik niya. Nakinig lang ako ng saglit sa kwento niya bago ko binaba ng tawag.
"What now?" tanong ni Arius habang hawak ang cellphone niya.
"Uwi na lang tayo." sagot ko.
"Gala na lang tayo," he suggested, "I know a place."
The next thing I knew we were buying ticket for the entrance in EK. Si Arius naman tuwang-tuwa nang makapasok kami. Sinabi niya kasi na hindi pa siya nakakapunta rito, at dream destination daw 'to nila Sirius kaso busy naman daw lagi ang kapatid niya kaya ako na lang ang dinala niya dito. Kung ano-ano pang tinuturo niya at sinagot pa 'yung nag-welcome sa amin ng "Have a magical day,". Namula tuloy 'yung babae.
Sinusundan ko lang siya habang halos lahat ng makita niya ay binabasa niya. Hindi niya na nga nagagamit 'yung map na hawak-hawak niya. Tuwang-tuwa talaga siya kaya natatawa na lang talaga ako dahil ang babaw ng kaligayahan niya.
Nang makadaan kami sa mga game stall, sinusubukan niya na manalo para raw may maibigay siya sa akin na stuff toy. Pero hindi naman siya nakakuha kaya hinila niya na lang ako palayo habang siya ay tinatawanan ko.
Nang makarating kami sa mga rides, hinatak niya ulit ako para makapila kami sa ride na may disenyo ng barko, it was called Anchors Away.
"Ganito," biglang sabi niya nang humarap siya sa akin, "Let's sit on the edge, on the different sides. I want to see your reaction."
Atsaka siya tumawa, ngumisi na lang ako nang makita kong napatingin sa kaniya 'yung iba. Ang gwapo naman niya kasi tumawa, nakakainis.
"Sure," I've never been in a rides before, bahala na kung anong mangyari.
BINABASA MO ANG
[3] Under Her Scars
Science FictionScarlet Loren had a terrible accident but still ends up living the next day. Despite of the mysteries, she chose to live normally and didn't bother to dive deeper into it. All that she could think of is; she's alive. She's satisfied on working in Wh...