07

48 15 10
                                    

Ngayon ko lang naramdaman ang hassle ng pag-commute, ang hirap pang makahanap ng sasakyan. Noong nakaraang araw, maaga ako nagigising at naghihintay ng masasakyan pero ngayong araw ay hindi ako nakagising ng maaga kaya muntik na akong malate.

Halos takbuhin ko na 'yung pagpasok para hindi na madisappoint sa akin si Tita Ashlie. Kailangan ko na talagang bumili ng motor o sasakyan na kaya ng budget ko.

Sa tingin ko, dahil kay Arius kaya hindi ako nakatulog ng maayos kagabi. Mas lalo lang akong nacurious sa buhay nila dahil sa pinagsasabi niya. Parang wala siyang pake kung nasa panganib man siya dahil panay ang pagsabi niya na ligtas ako at wala akong dapat na ipag-alala.

"Scarlet!" bumagal ang paglalakad ko at nilingon kung sino ang tumatawag sa akin.

"Saki," banggit ko nang maabutan niya na ako, hindi naman siya gaanong hiningal kahit na medyo malayo ang tinakbo niya. "Anong meron at nandito ka ulit?"

Bumalik ako sa pagbilis ng lakad ko para makapasok on time. Ramdam ko namang nakasunod si Saki sa akin, mukha ngang naglalakad lang siya. Kasi aaminin ko na na matangkad siya, at sana wag niya nang tanungin ang bagay na yon dahil mapapaamin talaga ako.

"Wala, may balak lang ako."

Nang makapasok ako ay napansin ko na agad na nagsasanitize nanaman ng mga gamit sila Hosuh at Sunny, nag-aayos din ng kaunti si Tita Ashlie habang may kausap. She nodded at me so I mouthed good morning.

Nagulat na lang ako nang pumipirma na si Saki sa Apprenticeship contract niya kay Tita Ashlie. Hindi ko alam na interesado pala siya sa mga tattoo.

Pinagmasdan ko lang siya habang tinuturuan na siya ni Tita Ashlie about sa basic etiquettes dito sa parlor. Naalala ko 'yung dating ako kay Saki, hindi ko alam. Habang nagiisip kasi, napansin ko na may mga pagkakapareho kami. Kaya rin siguro naging malapit rin siya sa akin kahit tatlong araw pa lang ang nakakalipas simula nang magkakilala kami.

Naramdaman ko naman na siniko ako ni Sunny at tinignan ako sa aking mga mata, "Friend mo ba si Saki, Scarlet?"

Hindi ko alam kung bakit bigla niyang tinanong ang bagay na 'to. Ni hindi nga pumasok sa isip ko 'yon. "Siguro?" Hindi siguradong sagot ko, "I just met him three days ago."

"Pero mukhang close na agad kayo," she pointed out and that's when Hosuh appeared from the staff room.

"May mali ba ro'n?" I asked, not getting what she's curious about. Ganito naman ako sa lahat ng kliyente namin, maybe?

"Kasi nung una ko siyang makita, sobrang down niya. Tas bigla na lang siyang naging approachable nang magpa-tattoo siya sa'yo." 

"So what are you really pointing out?" I asked directly.

"Ang weird lang kasi. Ganon ka rin bago mo nakilala si Arius." Kumunot ang noo ko, "Intimidating at hindi approachable tas biglang nag-uusap na tayo. It's a good thing though, gusto ko lang i-share."

Hindi na kami nakapag-usap ulit dahil tinawag ako ni Tita Ashlie para i-guide si Saki dahil sabi niya mukhang close naman kami. May pupuntahan pa raw kasi si Tita Ashlie. Pakiramdam ko nga, unti-unti niya nang pinapasa kay Hosuh ang pagiging manager.

"Sige, Sunny. Lunch na kayong tatlo." sabi ko habang busy sa pag-aayos ng log book. Hindi naman ito kailangan pero nababagot na talaga ako nang walang ginagawa. Lagi namang ganito ang araw rito sa WIT pero ngayon parang may hinihintay ako.

"Sabay na lang tayo," aya pa ni Saki pero umiling ako.

"Kailangang may magbantay ng shop. Go na, may hinihintay rin ako." pagtataboy ko sa kanila gamit ang tinatamad kong kamay. Kailangan ko pang magsinungaling na may hinihintay nga ako.

[3] Under Her ScarsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon