I never thought that Evony was a smart kind of woman. Hindi lang sa buhay namin, pati na rin sa emosyon ay alam niya. Ipinaliwanag niya rin sa akin na kailangan rin ng mga tao ng comfort at base sa mga kwento ko sa kaniya, hindi ko raw sinusubukan na magkaroon ng maayos na pakikipag-usap kay Arius.
Ni hindi ko nga sinasabi ang salitang nagpapakilabot sa akin.
She even highlighted that assurance is the our protection and way for building trust. At hindi ko pa raw naipapakita 'yon sa kaniya. Totoo naman, dahil laging si Arius ang clingy sa aming dalawa. Kaya hindi ko akalain na makakarinig ako ng advice kay Evony tungkol sa bagay na 'to.
He loves me. Siguro nga kailangan kong sabihin kay Arius ang salitang 'yon, naalala ko na sinabi niya rin sa akin 'yon noong mga oras na hindi ko inaasahan. He's clear when he told me those words, that he don't want me to force myself from healing him. Baka sakaling magkaayos ulit kami kapag sinabi ko rin 'yon.
I tried to text him that night but I was still hesitating until I fell asleep.
"Can't you still understand us, Arius?" Boses ni Sirius ang narinig ko.
"Damn, bro. Alam ko na." sagot nito.
"Bakit ganyan ka pa rin? Magbabago ka na talaga?"
"I didn't changed, I just. . ."
"Why? Tell me the reason."
"Ayoko, just quit thinking about the sacrifice, it's not about that."
"Was it Scarlet?"
"Yeah,"
"What about her?"
"She's just—"
Bigla na lang akong nagising sa hindi malamang dahilan, muli kong pinikit ang aking mga mata, umaasang maririnig ko pa ulit ang napanaginipan ko. Pero ilang minuto na akong nakapikit ay hindi ko na narinig.
Kung kailan naman maririnig ko na ang sagot ni Arius, saka naman ako nagising. What does he thinks of me now? It's making me anxious.
Napagpasyahan ko nang bumangon at inisip na lang na nagpapantasya lang ako. Kumuha ako ng isang basong tubig pero napatingin ako nang tumunog ang cellphone ko.
Muli akong kinabahan nang makita ko ang pangalan ni Arius. Ngayon na lang ulit siya tumawag. Hindi ko akalain na natiis niya ako ng isang linggo.
Sinagot ko ang tawag at hinintay na magsalita siya. May naririnig akong hangin sa kabilang linya kung kaya naman alam kong nakikinig siya. Huminga ako ng malalim at binati siya, "Hey,"
"You asleep?"
"Nagising lang ako,"
"Was that a lie?"
"Hindi," Sabi ko at naalala na nagsinungaling na ako sa kaniya noong hindi ako makatulog. Hinsi pa rin siya makalimot. "Really, I even dreamed about you."
"Weh?" Napangiwi ako nang marinig ko ang masigla nitong boses. Kahit na walang nakakita ay pinigilan kong hindi ngumiti.
"Bahala ka, ayaw mong maniwala." Kibit-balikat ko at umupo sa sofa. Nagulat ako nang may nag-doorbell napatingin tulog ako sa wall clock. 5:10 pa lang ng umaga, sinong kakatok?
"Who's that?" Tanong ni Arius sa kabilang linya kaya nalaman ko na hindi siya ang nasa labas.
"I don't know, wait."
"Bubuksan mo ang pinto nang hindi nalalaman kung sino ang nasa labas?" rinig kong sabi niya, binuksan ko ang ilang parte ng ilaw.
"Duh, syempre magtatanong muna ako."
BINABASA MO ANG
[3] Under Her Scars
Science FictionScarlet Loren had a terrible accident but still ends up living the next day. Despite of the mysteries, she chose to live normally and didn't bother to dive deeper into it. All that she could think of is; she's alive. She's satisfied on working in Wh...