11

42 14 7
                                    

"Ha?"

"Ham," sagot ni Arius at sinubo nga 'yung malaking piraso ng ham. Nginuya niya pa 'yon at ngumiti sa aming dalawa.

"Ikaw? Sinagot? Siya?" Nanlaki ang mata ni Maggie. "Ikaw ba ang nililigawan nito?"

Doon ko lang naisip ang sinabi ko kaya gumapang ang kaba sa aking dibdib. "Joke lang 'yon—"

"Ikaw, a. Scarlet, sinagot mo na pala ako." Tinaas-taas pa ni Arius ang kilay niya kaya nautal ako sa dapat kong sasabihin.

No, this is not comfortable anymore!

"Gag ka," hinampas pa ako ni Maggie. "Hindi mo agad sinabi sa akin, kanina ka pa pala nagseselos diyan."

"I am not," mabilis na sabi ko habang hindi na makatingin sa kanila at nagsimula nang kumain.

I hissed when I heard Arius guffawed while Maggie and I were feeling awkward right now. Tumahimik rin kaya mas lalo lang akong nailang.

"Oh my god, ngayon ba 'yung revelation?" gulat pa rin na sabi ni Maggie sa aming dalawa. Gusto kong bawiin dahil paniguradong may magbabago pagkatapos ng araw na 'to.

"Wala, joke lang 'yon." Natatawa pa ring sabi ni Arius.

"Anong joke?"

"Scarlet was not serious, she didn't meant it and I was just flirting. You know, we're not serious. Right?"

Nakaramdam ako ng kakaibang kaba nang tumingin sa akin si Arius, naghihintay ng sagot mula sa akin. Pinilit ko na ngumiti, "Oo naman, joke lang 'yon. Naniwala ka naman, Maggie. Bobo mo."

Natapos ang lunch namin nang hindi na ako sumisingit sa pag-uusap nila, pinipilit naman ni Maggie na pagaanin 'yung nawalang sigla sa pagitan naming tatlo. Pero walang pinagbago, parang biglang may dumaan na anghel ngayon. Ramdam ko na frustrated na rin siya dahil puro pagtango at pag-iling lang ang sagot ko.

Hindi ko alam, biglang bumigat ang pakiramdam ko. Nakakahiya.

Maski ako ay hindi ko rin alam ang sasabihin. May nasabi ba akong mali?

I mean, it's not that literal and I was just joking. Ayoko lang na seryosohin ni Maggie si Arius dahil alam ko na loko-loko siya. Pero bakit sinabi niyang joke lang? Hindi kaya type niya rin si Maggie?

Narinig ko na ayain ni Arius si Maggie na umuwi dahil nagcommute lang naman siya rito.  Tumango na lang ako sa kay Maggie para hindi naman siya maguilty.

Nauna nang pumasok si Arius sa kotse niya at hinintay si Maggie.

"Hoy, anong nangyari?" malungkot na sabi niya bago siya makalabas.

"What? Bakit parang mas lutang ka pa kaysa sa akin?" I said, laughing.

"We have our imaginary girls code, okay? Are you sure that you were just joking earlier?"

Tumawa ako nang makita ko na seryosong-seryoso ang mukha ni Maggie. "Joke nga lang,"

"Do you like him?"

"No!" mabilis na sabi ko. "He's my friend, katulad ng pakikitungo ko kila Kuya Gerin. I don't want to make things uncomfortable. Promise, hindi ako seryoso kanina."

"Sinabi ba niyang nililigawan ka niya?" she asked suspiciously.

"I don't know, he always mention that."

"Gag* naman pala siya, e. Pinaglalaruan ka lang pala niya?"

"What? No," May mga pagkakataon naman na nararamdaman ko ang sinseridad niya. "Kulang lang sa pansin 'yon, atsaka nagbiro lang naman ako para malaman mo na ganon siyang tao."

[3] Under Her ScarsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon