31

33 6 7
                                    

PATULOY lang ako sa pagtakbo sa obstacle field training. Kinakabahan pa rin ako sa pag-uusap namin ni Harry. Iyon ang unang pagkakataon na mag-isa ko siyang nakausap at nagkataon pa na naging matagumpay ang pananakot niya.

Hindi ata sapat ang paghinga dahil nakakatakot ang aura nito. Hindi pa rin ako sang-ayon na nandito silang apat ngayon at sa tuwing iniisip ko mas lalo lang akong natatakot sa mga posibleng mangyari.

Bigla na lang akong makarinig ng ingay. Agad akong napatingin sa hallway pero muntik na akong mapasubsob nang makakita ako ng grupo ng mga tao roon.

It's them. It seems like Jane was touring them around.

"Dang, Six. Okay ka lang?" Jane asked walking around. Normal na ang mga ganitong pangyayari sa loob ng training na 'to pero ngayon lang ako nahiya. Ni hindi na nga ako pinuntahan ni Jane para alalayan.

I glanced at them and that's when I really forgot to breathe when I saw their eyes looking at me. Hindi ko mapaliwanag ang tingin nila pero isa lang ang nakikita ko, blanko.

Hindi na nga ako nagkamali na iba na ang tingin niya sa akin pero nasaktan pa rin ako.

Epekto ata 'to ng pagtakbo ko.

Kinuha ko ang tuwalya ko at mabilis na naglakad papaalis. Nagulat pa ako nang may humarang sa dinadaanan ko.

"Six,"

"Twenty," I greeted back. I stayed with my sharp expression when I saw his grin. Gusto ko ng umalis kaso ang laking harang niya

"I'm wounded," tinuro niya pa 'yung pisngi niya na may sugat.

Gusto kong umirap dahil lagi na lang lumalapit sa akin ang isang 'to. His aura was literally irritating, hindi katulad ni Haymitch na alam ang limitasyon niya. Etong lalaking 'to, namimilit.

Hindi naman malala 'yung sugat niya pero papansin lang talaga.

"So?" Hindi ko maiwasang hindi siya taasan ng kilay. Gustong-gusto ko na talagang makaalis dito pero hinaharangan niya ang daan.

"Heal it." He commanded, I just scoff at him and shook my head. Sinubukan kong dumaan pero hinarangan niya ulit ako. Hindi naman siya gaanong katangkaran, malaki lang ang katawan.

Tinignan ko ang sugat niya at ngumisi siya ulit. Hindi lalayo ang taong 'to kapag hindi napagbigyan, e.

Tinanggal ko ang tela sa kanang kamay ko at mabilis na sinampal ang pisngi niya. Sobrang lakas ng tunog, muntik na akong tumawa.

"Yan, magaling ka na."

Pinanlisikan ako ng mata ni Twenty at mas lalo lang siyang pumangit nang kumalat ang dugo ko sa pisngi niya. Atleast, nakuha niya na ang gusto niya. It's as if I would give what he want without satisfying myself.

Before I left, I heard his laugh.

Sobrang bilis ng panahon, apat na taon ko na rin palang hindi narinig ang pagtawa niya.

And it's giving me nostalgia. Lahat ng nararamdaman ko noon ay bumalik. Gusto ko siyang yakapin, gusto kong marinig 'yung tukso niya, gusto kong tumawa kasama siya. Gusto kong bumalik.

Gusto kong bumalik nang hindi nalalaman ang katotohanan.

Akala ko maririnig ko ang masasakit niyang salita kapag nagkita kami pero tawa niya ang una kong narinig. Kahit papaano ay kumalma ako nang marinig 'yon. Bahala na mamaya.

Parang ang lahat nang nangyayari ay pinabilis at parang wala akong oras na makapag-isip. Kahit na lagi nilang sinasabi na lagi naman akong nakatulala pero ang totoo hindi ko na talaga alam kung ano pang iisipin.

[3] Under Her ScarsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon